People usually expect and be disappointed. They're expecting too high and too far from the reality. Expectations indeed lead to disappointments kaya kung ayaw mong ma-disappoint, huwag ka nalang mag expect ng kahit ano sa kahit na sino. Just let everything fall into it's own place.
I was expecting a peaceful goodbye, pero hindi 'yong ang nangyari.
"YOU THE DAUGHTER OF AN ALIEN!!" someone shouted from the crowd. That really woke me up and took me back to the reality.
Umalingawngaw ang malakas na sigaw na 'yon sa buong venue. Kasabay din noon ang pag tigil ng maingay na musika dahilan para ma-focus ang lahat sa senaryong ito.
Dinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid habang pilit kong hinahanap kung kanino nanggaling ang tinig na 'yon at hindi naman ako nabigo. I saw Bianca's eyes full of anger and jealousy. Masama itong nakatingin at nag lakad papalapit sa akin.
Mahigpit akong napakapit sa braso ni Rigel habang pilit na pino-proseso sa utak ko ang mga pangyayari. Bakit niya nasabi ang bagay na 'yon? Ako ba ang tinutukoy niya? Kung ako nga at kung alam na niya ang totoo, paano niya nalaman?
A series of questions entered my mind and they're really demanding for an answers.
Muli akong tumingin sa paligid at hindi naman inaasahang tumama ang mata ko sa mata ng isang pamilyar na tao. Si Elara. Nag iwas siya nang tingin at tumalikod para umalis.
No, that can't be her, Halley. She promise me, she won't tell anyone and I trust her. Kahit na hindi niya ako tanggap, naniniwala ako sa kaniya.
"Bianca," nag babantang tawag ni Rigel sa pangalan ni Bianca. Tinaasan lang siya ng kilay ni Bianca at sarkastikong tumawa.
"What, Rigel?" baling niya rito. "Akala niyo hindi ko malalaman?" saad pa niya. Duon ko na kumpirma na alam nga niya. Sa pagkakataong ito ay hindi na mahalaga kung paano niya nalaman, ang mahalaga ay hindi niya ito sabihin sa lahat dahil kung hindi, masisira ang plano.
Bumaling siyang muli sa akin. Agad na dumaloy ang kaba sa sistema ko. Hindi ko alam kung ano ang maari niyang gawin para i-expose ako sa pagkakataong ito.
Her sarcastic look suddenly turn into a devil one.
"Let me show them who you really are," saad niya at mabilis na lumapit sa akin. Doon na-realize na may hawak pala siyang folding knife and at this moment, alam ko na ang balak niya. Nanlaki ang mata ko nang akmang itatarak niya sa balat ko ang patalim na hawak niya. I was just waiting for it to touch my skin but Rigel suddenly catch it—protecting me.
Nalaglag ang panga ko nang makita kung paanong tumulo ang berdeng likido mula sa braso ni Rigel na ginamit niya para salagin ang patalim ni Bianca.
Ngayon ay napapalibutan na kami ng mga tao. All eyes on us, but my focus was still at that green liquid.
Is it a... a b-blood?!
Ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Estrell na makita ng iba ang tunay na kulay ng dugo ko. Naiindihan ko na kung bakit ganoon ang reaction ni Elara nang makita niya ang dugo ko.
Their blood is green while mine is red.
Nakita ko kung paanong natigilan si Bianca nang makita niya na si Rigel ang nasugatan niya. Nabitawan niya ang patalim na hawak niya. Hindi niya siguro inaasahan na gagawin 'yon ni Rigel para sa 'kin. Siya mismo ang nanakit sa taong gusto niya. How tragic.
Muling humugong ang bulungan sa paligid. Nakita ko ang pangingilid ng luha ni Bianca at ang pag-iling nito.
"R-Rigel, I-I'm sorry..."
BINABASA MO ANG
Parted by Galaxies (Completed)
Science FictionA girl who loves to read books about constellation science, and is very fascinated about the mystery of the universe. During their educational tour about the environment she accidentally fell into a hole, a dimension that leads to the other planet...