CHAPTER 26: Area 48

23 8 1
                                    

The surroundings changed kagaya ng nakasanayan. Tuloy pa rin ang agos ng luha sa mga mata ko habang tinitignan ko ang kamay ko ko nakabitaw kay Rigel.

Tumingin ako sa mabituing kalangitan. "Ibalik mo ko please..." bulong ko at ilang beses na pumikit, umaasang babalik ako sa senaryo kung nasaan si Rigel at tulungan siya pero sadyang bastos ang kalawakan.

Pinahid ko ang luha ko at marahang tumayo. Mabait pa rin sa 'kin ang uniberso dahil sa Aurora high niya ako dinala. At least alam ko kung saan pupunta.

Nag aalala ako kay Rigel, kailangan kong humingi ng tulong kay Estrell kaya mabilis akong lumakad tungo sa stock room. Alam ko na nandoon siya.

"Halley?!" gulat niyang bungad sa akin at tinignan ang kabuoan ko. "Ikaw nga," saad pa niya bago ako yakapin.

"Estrell," tawag ko sa kaniya. Kumalas siya at inayos ang buhok ko.

"Saan ka ba nanggaling? Nag alala ako sa 'yo," saad niya at iginiya ako papasok ng stock room. "Have a seat, you look really exhausted."

Hindi pa man ako nakakaupo ay muli akong humarap sa kaniya. "Estrell, we need to help Rigel," nanghihinang saad ko. Kumunot ang noo niya at nag tanong kaya matiyaga kong ikinuwento sa kaniya ang lahat.

"Kung sa palagay mo'y nakuha na siya ng mga awtoridad, hindi imposible 'yon, at marahil sa ngayon ay nasa interrogation process na sila," seryosong saad ni Estrell habang nag iisip ng malalim.

Umayos ako ng upo. "Pero walang kasalanan si Rigel," puno ng pag aalalang tugon ko. Sinundan ko siya ng tinging nang tumayo siya at may kinuhang ano sa kung saan.

Newspaper.

Inilapag niya iyon sa lamesa at agad naman na kinuha ko 'yon. Doon ko nakita na nasa front page ako ng dyaryo.

"Halley, everyone's looking for you. Government, media, scientist—not just in P-18 but in the whole precilla. They're willing to break the laws in order to find you. They're even willing to kill people just to find you. That's how desperate they are," paliwanag niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit? Bakit napaka-desperado nilang mapag-aralan ako? Ano bang gagawin nila, Estrell, bakit hindi nalang nila ako patayin kung natatakot sila--"

"Halley," natigilan ako sa maraming tanong na nag lalaro sa isipan ko. Ang hirap n'ong hanapan ng sagot. "Calm down, okay?"

"Estrell, how can I calm down?" halos maiyak na ako. "Pakiramdam ko sasabog na ako, ang daming tanong, ang dami kong iniisip, hindi ko alam kung ano'ng uunahin ko."

"Naiintindihan ko."

"Ano ba kasing kailangan nila sa 'kin? Bakit gusto nila akong makuha?" napasabunot nalang ako sa sarili ko.

"Because they believe in universal war, Halley," natigilan ako sa sagot ni Estrell.

"U-Universal war?" naguguluhang tanong ko. Ano na naman bang kalokohan 'yon?

Kagaya ng nakasanayan ay tumayo si Estrell, humarap sa bintana at nag simulang mag paliwanag.

"Universal war is a war between all of the planets and galaxies in the entire universe. Naniniwala sila na isang threat sa precilla ang mga nilalang mula sa ibang galaxy... na maaaring pumunta sila dito at sakupin ang planeta namin. You're one of them, Halley," paliwanag niya. Napanganga ako sa sinabi niya.

"T-then bakit hindi nalang nila ako patayin? Kung ang isang nilalang na kagaya ko'y isang threat para sa planetang ito, bakit hindi ni'yo nalang ako patayin?" tanong ko. Pakiramdam ko ay nag papanic na ang buong sistema ko.

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon