CHAPTER 18: Plan

18 6 0
                                    

"You fell at this place," Rigel started and pointed the red circle on west side of the map. "and this is the Aurora High," he traced the broken line that shows the way to Aurora High. "We just found out the magkaiba ang entrance at exit ng mundong 'to. We couldn't understand it well, but while analyzing it, we came into the conclusion na maaring sa side na ito ang daan pabalik," saad niya sabay turo sa mark na nasa east side ng forest. "That was supported by the NS theory." (Disclaimer: NS Theory is fictional. That only exist at the Precilla.)

I don't know what does NS theory means, I have no plan of understanding the law of Precilla. Instead, I focus at the fact that going home is just around the corner.

"The portal opens during midnight, but in a certain situation."

"What situation?" I asked.

"When the second moon of Precilla came out again," he answered. That was the moment when I realized that the two moons are real. It's not just on my imagination or a hallucination.

"I've seen it. Nuong gabi na nakarating ako sa mundong 'to, dalawa ang buwan. Hindi ako nagkamali," saad ko. Grabe, akala ko talaga naduduling lang ako no'ng panahong 'yun.

Tumango si Rigel, "Exactly."

"Kung gano'n, kailan ang next appearance ng second moon?" I asked, I need to know kasi sa mismong araw na 'yon, alam ko na makakauwi na ako.

Rigel looked up straight to my eyes. I saw him swallowed and his jaw clenched. "Exactly at the Aurorian's Night," he said.

"Tomorrow is the Aurorian's Night," I replied. Hindi ko alam kung bakit para may parte sa akin na pakiramdam ko ay kalahati ng pagkatao ko ang maiiwan ko rito sa Precilla.

"Exactly, pabor 'yun sa atin dahil mas magiging madali para sa atin na lumabas ng Aurora High. Mahigpit ang seguridad sa kagubatan sa likod ng school 'pag ordinaryong araw. Pero dahil may event, inaasahan na lahat ng estudyante ay naroon at hindi kailangan ng maraming bantay sa likod. Mas mahina ang seguridad, mas madali," paliwanag ni Madame Dzvezda. Mas naunawaan ko naman dahil nakita ko mismo kung gaano karami at kahigpit ang mga bantay sa forest no'ng lumabas ako mag-isa.

"Tomorrow night is the perfect time to leave, Halley," Estrell added. Napatango nalang ako at ibinaba ang tingin ko sa pulsuhan ko kung saan naka-tattoo ang identity ko.

"Then I'll leave tomorrow night," I concluded. Estrell stood up and get a box from nowhere, then she came back.

"May attendance sa Aurorian's Night bukas. Kailangan mo munang mag sign in do'n dahil i-che-check nila agad 'yun. 'Pag nakita nila na kulang ang estudyanteng dumalo sa event, mag hihinala sila at siguradong hahanapin ka nila. Mahigpit talaga ang school lalo na ang principal," paliwanag niya at ibinaba sa lamesa ang malaking box na hawak niya. "That's why you have to wear this, and you have to be there."

I opened the box at bumungad sa akin ang royal blue and black gown. I didn't express any reaction, I frowned and cover it again.

Isang lalaki ang pumasok at inutusan siya ni Madame Dzvezda na dahil ang gown na 'yon sa dorm namin. Hindi na ako nakinig sa usapan nila.

Muli kong ibinaling ang tingin ko sa map. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dapat ay masaya ako dahil makakauwi na ako, makikita ko ang pamilya ko. Nakakapag taka na ganito ang nararamdaman ko.

Bumalik ako sa realidad mula sa malalim na pag iisip nang kuhanin ni Rigel ang kamay ko at hilahin ako palabas ng stock room.

Nakalabas na kami nang mag-react ako sa nangyayari. Tumigil ako pag lakad dahilan para lingonin niya ako. Kunot-noong nagtanong ako. "A-ano?"

Parted by Galaxies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon