Chapter 1

540 13 1
                                        

Halos mapunit ang labi ko habang nakatitig sa registration form ko, enrolled na ako at may scholarship din ako dito sa St. Scholastica.

Madami akong university dito sa probinsya na pinag-examan at masaya ako na sa isa sa maganda ako nakakuha ng scholarship. Ang kailangan kong gawin ngayon ay ang maghanap ng kahit kwartong mauupahan dahil masyadong malayo ang Montecarlos kung araw-araw akong babyahe.

"May alam ako, Kim. Sa may Hycinth may nabasa akong nakapaskil, ani Karla, kasamahan ko dito sa Swiftea, isang milktea shop dito sa Montreal.

Tatlong araw na akong nandito mula nang malaman kong pasado ako sa scholarship ay agad akong naghanap ng part-time job. Nakiusap naman ako sa may-ari nitong shop na kung pwedeng dumito muna ako habang naghahanap ako ng matitirhan kaya naman nagtyatyaga ako doon sa masikip na crew room.

"Pwede mo ba akong samahan mamaya, Karla?" Hindi ko pa rin kasi kabisado ang mga lugar dito sa Montreal.

She smiled at me. "Oo naman. Malapit lang din naman 'yon sa amin."

I smiled at her. 

Nang matapos ang duty namin ay excited ako dahil mukhang makakahanap na talaga ako ng matitirahan.

"Hello, Ma? Wala pa po akong extrang pera ngayon kasi po mamimili pa ako ng school supplies at maghahanap din ng kwarto na marerentahan."

"Ano ba naman 'yan, Kianna! Mas inuuna mo pa 'yan kesa sa mga kapatid mong nagugutom!"panenermon sa akin ni Mama, she's not my biological mom, noong ipinanganak kasi ako ay namatay ang Mama ko at si Mama Alice na ang nagpalaki sa akin.

"Manghingi na lang po muna kayo kay Papa."

"Ano?"

Inilayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa pagsigaw ni Mama.

"Ano namang ibibigay sa akin ng tatay mo? Kunsumisyon? Pareho kayong walang silbi!"

Napabuntong-hininga na lang ako matapos niyang ibaba ang tawag. Kaya mas pinili kong lumayo at dito sa Montreal mag-aral dahil sa nakakarinding bunganga ni Mama, hindi naman din ako makakapag-aral ng maayos sa bahay kung parati siyang magbubunganga ng ganyan.

"Nandito na tayo," sabi ni Karla. Ininguso niya pa ang tinutukoy niyang bahay.

"Ayan ba? Ang laki naman niyan, Karla! Baka hindi ko kaya ang renta."

Nasa harap kami ng isang two storey house na halata mong mayaman ang nakatira at paniguradong mahal ang bayad sa upa.

"Subukan mo lang mag-inquire."

Umiling naman ako at akmang aalis na nang may babaeng magbukas ng gate.

"Hi, miss! May available pa bang room?" tanong ni Karla doon sa magandang babae na lumabas mula sa malaking bahay.

Ngumiti naman siya. Siguro ay mas matanda ako sa kanya. Sobrang ganda niya.

"Ah, oo! May tatlo pang vacant. Dalawa ba kayo?"

Umiling naman ako. "Hindi, ako lang sana. Magkano ba ang renta?"

"Ay, halika pasok ka. Hindi kasi ako 'yong may-ari nitong bahay." Tumawa pa siya.

Sumunod naman kami ni Karla sa kanya.

"Ako nga pala si Kyril," sabi ng magandang babae sabay ngiti.

Ngumiti rin ako sa kanya. "Kim, tapos siya si Karla."

"Upo muna kayo." Pagpasok sa loob ay lalo akong nawalan ng pag-asa na afford ko ang upa dito dahil ang ganda lalo ng loob, 'yong sofa, mga muebles, iyong malaking chandelier.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon