"'Di ka nag-enjoy, no?" nag-aalalang tanong ni Kyril. Nakauwi na kami at ngayon ay dito naman kami sa sala nagtipon-tipon.
I smiled. "Nag-enjoy naman, ah?"
"Itong si Ate Kim ayaw pang sabihin ang totoong nararamdaman niya," si Andrea.
"Okay nga lang ako. Wag niyo na pag-isipan ng masama si Brixel, naniniwala ako na pure business lang ang dahilan kung bakit magkasama sila ni Yua. Okay?"
Kitang-kita ko na labag sa loob ni Kyril ang pagtango niya.
"Sasabihan ko si Kuya."
I shook my head immediately. "Wag na! Wala naman siyang ginagawang masama, ah? Wag na natin dagdagan ang mga iniisip niya, Bri."
"Grabe!" komento ni Kyril.
"Kyril, we shouldn't conclude things easily. Mahal ako ni Brixel." Itinaas ko pa ang kamay ko kung saan naroroon ang singsing na binigay ni Brixel sa akin. "Ako ang inalok niya ng kasal, I trust him 'cause I love him."
Nangiti si Kyril sa sinabi ko. "Ngayon pa lang ay nakikita ko na kung anong asawa ka kay Brixel. Napakaswerte ng mokong na 'yon!"
"Swerte talaga! Para siyang tumama sa lotto!" pagsang-ayon ni Briana. Nagtawanan naman kami.
Hindi pa kami nag-uusap ni Brixel nang maayos. Kagabi ay nagpalitan lang kami ng ilang messages dahil gabing-gabi na sa kanila at kailangan na niyang magpahinga. Ngayon naman ay nag-iwan ako ng message paggising ko pa lang para sabihing mag-ingat siya sa byahe niya ngayon papuntang Japan.
"Good morning, Ms.Briana! Good morning Ms. Kim!"
Briana glared at Ms. Hilda. Pasimple ko naman siyang sinaway. Nandito siya ngayon para sa iniutos ni Brixel sa kanya.
"Naiirita ako sa pagmumukha niya," bulong pa ni Briana. Napailing na lang ako
Hindi rin naman nagtagal si Briana dahil may date raw siya ngayon, hindi lang isa ang ka-fling niya kaya hindi ko alam kung sino sa kanila ang kikitain niya.
Bago maglunch ay natapos ko na ang trabaho ko. Hindi ako nakapagbaon dahil balak ko talagang sa Montreal Mall kumain. Balak ko din kasi bumili ng libro, mula noong umalis si Brixel ay bumalik ako sa dati kong gawi na magbasa ng libro bago matulog.
To: Brixel
Hi! Papunta akong Montreal Mall. Doon na ako maglalunch.
Matapos kong maisend ang message ko para kay Brixel ay kinuha ko na ang bag ko tsaka tumayo na.
"Oh, My God!" Lumipad pa ang kanang kamay ko sa bibig ko nang buksan ko ang pinto.
"Akala ko- Diba nasa Japan ka dapat?"
I'm not that emotional type of person pero ngayon ay nangilid agad ang mga luha ko.
He smiled at me. "I miss you so much and I cannot afford another day far away from you, beauty."
Nangiti ako tsaka agad na niyakap si Brixel.
"Miss na miss din kita!" I whispered.
"Mag-half day ka na ngayon. Date tayo."
Napanguso naman ako. "Okay lang ba 'yon?"
"Baka nakakalimutan mo na ako ang boss mo?" Ngumisi siya sa akin.
"Oo nga, no?" Natawa pa ako.
He pinched my nose. "I miss your laugh, Kim. I miss everything about you." He intertwined his hand on mine and I can't help myself but to smile.
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomanceKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...
