I cannot contain my happiness right now! Talaga bang nagpropose sa akin si Brixel ngayon at sa harap pa ng buong batchmates ko at mga professors ng St. Scholastica? At sa harap ng parents ko?
"Girl! Nakakainis ka!" naluluha pang sabi ni Valerie. "Ang ganda mo!"
Gulat na gulat din siya sa nangyaring proposal kanina, kahit naman ako at halos lahat maliban lang kina Papa na kasabwat ni Brixel ang hindi nagulat.
Hindi ko talaga inexpect na aalukin ako ng kasal ni Brixel, agad-agad!
Nasa front seat ako ng kotse ni Brixel habang sila Papa ay nasa backseats.
Ibinitaw ni Brixel sa steering wheel ang isa niyang kamay at hinawakan ang kamay ko.
"Kahit na nagpropose na ako ay hindi ibig sabihin ay minamadali kita, I still can wait for you."
Nangiti naman ako.
"Congratulations!"
Sabay-sabay na sigaw nila Kyril pagpasok namin sa gate ng bahay. Hindi ko inakala na may ganitong surprise sila. Grabe! Ang daming handa.
"Sinong nagpacater?"
And yes! May catering talaga!
Nilingon ko sila Mama.
They both smiled to me.
"Sino pa ba? Edi si Brixel," sabi ni Mama Alice.
"Hi, Ate Kim! Happy graduation and congratulations!"
Lumaki naman ang ngiti ko nang makita si Vera sa screen. Kavideo call siya nila Kyril at nilagay nila iyon sa projector.
"Thank you,Vera! Kahit malayo ka ay parang kumpleto pa rin tayo."
Bigla namang yumakap sa akin si Briana. "Ikaw na talaga ang gusto kong maging sister-in-law."
Natawa naman ako. "Ako na talaga." Itinaas ko ang singsing na binigay ni Brixel at nagtilian sila Briana.
Hindi ko inexpect na mas magiging special pa lalo ang araw na 'to.
"Cheers to the newly engaged!" Itinaas ni Stephen ang champagne glass niya.
"Cheers!" sabay-sabay na sabi namin.
Kami na lang ang nandito sa garahe kung saan nakaset up ang mga tables. Tulog na kasi sina Papa tsaka 'yong dalawa kong kapatid dahil napagod din sila sa byahe at isa pa ay gabi na rin masyado.
"Ang bilis! Parang kelan lang tapos ngayon may ikakasal na sa atin, ani Kyril.
Biglang umakbay si Stephen kay Andrea. "Kami na next."
Inulan ng panunukso si Andrea dahil sa kitang-kita na kinilig siya sa sinabi ni Stephen.
Tumikhim si Sage kaya natigil kami sa pagkukwentuhan at pare-parehong bumaling sa kanya.
"May sasabihin ka Sage?" tanong ni Kyril.
"Kami ni Vera ang sunod na ikakasal," confident na sabi niya.
Nagkatinginan naman kami nila Kyril.
"Ang tanong, gusto ka ba niyang pakasalan?"
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomantizmKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...