Chapter 11

134 5 4
                                        

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Brixel nang nasa may kotse na kami but he just answered me with a smile.

Ngayon ay binabagtas namin ang palabas ng Montreal.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit.

Sumulyap si Brixel tsaka ngumiti. "Malalaman mo rin."

Kumunot lang ang noo ko.

Sa halos tatlong oras na byahe namin ay natanaw ko na ang arko na may nakalagay na,

Welcome To Monte Vista

Hindi na ako nagtanong pa kung bakit dito. Dito kasi sa Monte Vista may mas magagarang mga restaurants at mga pasyalan kumpara sa Montreal at sa mga bayan na mas malapit dito.

Noong nakaraan pa rin nagyayaya si Brixel na lumabas kami ng Montreal. Tumigil ang kotse ni Brixel sa tapat ng isang magarbong hotel.

Wainwright's Hotel

"Hotel nila Sage?" tanong ko.

He nodded. "Yup."

"Bakit nandito tayo?"

"Kakain tayo."

Namilog naman ang mga mata ko. "Kakain lang dito pa talaga dapat? Diba mahal dito?"

Kinurot niya ng mahina ang ilong ko.

"Binigyan ako ng discount ni Sage." He chuckled.

Napailing na lang ako.

Hindi ko naman inasahan na dito pa talaga kami kakain ni Brixel, kung buffet lang naman ang hanap niya ay meron din naman sa Montreal Mall, ah?

Pagpasok palang namin ay ang dami nang bumabati na staff kay Brixel at kadalasan ay mga babae. Bumabati din naman sila sa akin pero iba 'yong bati nila kay Brixel, parang madalas siyang nagpupunta dito?

Iginiya kami ng isang staff papunta sa elevator, nang nasa loob na kami ng elevator ay naramdaman ko ang kamay ni Brixel sa kamay ko.

"Sa pinakataas ba talaga ang restaurant dito?" tanong ko nang pindutin ni Brixel ang elevator button papunta sa pinataas nitong hotel.

"You'll see." He gave me a smile then he winked at me.

Paglabas namin ng elevator ay nasa rooftop na kami. Pero halos lumundag palabas ang puso ko sa nababasa ko sa mga salitang binubuo ng mga lobo na hawak ng mga staff nitong hotel.

Will you be my girl, Kianna Michaela?

Awtomatikong lumipad ang kamay ko sa bibig ko at nang lingunin ko si Brixel ay may hawak na siyang bouquet ng bulaklak.

"Mas mataas 'to kumpara sa rooftop ng apartment ko at mas maganda ang view pero sa akin ay wala pa ring nagbago, ikaw pa rin ang pinakamagandang view para sa mga mata ko."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nangilid ang mga luha ko dahil ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naramdaman na ganito ako kaespesyal, na kailangan pagtuunan ng effort, na deserve kong itrato ng ganito.

Kaya sino ako para tumanggi ulit kay Brixel? Sa lalaking walang ibang ginawa kung hindi iparamdam kung gaano ako kaimportante sa buhay niya, sa lalaking nagpawala ng takot ko.

Tumango ako.

"Yes?" masayang sambit niya.

Muli akong tumango.

"Oh, God!"

Biglang naglapat ang mga labi namin kasabay ng tuluyang pagluha ng mga mata ko.

"I love you so much, Kim!"

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon