Nang makauwi ako galing school ay ang mga nagagandahang sina Vera, Kyril at Briana ang bumungad sa akin. Kasalukuyan kasi silang inaayusan para sa masquerade ball ng St. Celestine.
"Pwedeng-pwede kang tulungan nila Jade para makasali sa ball, Ate! Kanila naman 'yong St. Celestine kaya lang ay ayaw mo." Ngumuso pa si Briana.
Umiling naman ako. "Hindi na. Madami pa rin akong school works na gagawin."
At isa pa ay masyadong magastos ang mga ganyang ball. Mabuti na nga lang at walang ganyan ang St. Scholastica.
"Ang gaganda niyo!"
Parati akong namamangha sa gandang meron sila, hindi lang kasi panglabas ang ganda nila, pare-parehong magaganda rin ang mga kalooban nila.
Pare-pareho naman kaming napalingon sa tumikhim. Tumambad sa akin ang napakagwapong si Brixel. Bagay na bagay sa kanya ang suot na dark gray tuxedo.
I smiled at him. "Pasok ka."
"I'll behave," bulong pa sa akin ni Brixel.
"Enjoy the night, Brixel."
May tiwala ako sa'yo kaya hindi mo na ako kailangan iassured ng ganyan.
Nagpaalam na sila dahil maya-maya lang ay magsisimula na ang ball nila.
"Ingat kayo!" Kumaway pa ako sa kanila. Bigla namang lumapit si Brixel sa akin at humalik sa pisngi ko dahilan ng mga panunukso nila.
"I love you," he whispered.
Lumundag naman ang puso ko. "I love you too."
Ngumiti siya bago tuluyang alalayan si Briana at lumabas.
"Swerte mo kay Brixel, no?" sabi pa ni Andrea.
Kami na lang ang nandito dahil nang makaalis sila Vera ay nagpaalam na rin sila Celine, sila ang nag-make up kina Vera.
Ngumiti naman ako tsaka umupo sa tabi niya. "Paano mo naman nasabi?"
"Mahal na mahal ka niya, e. Diba swerte naman tayo sa isang tao kapag mahal na mahal tayo? 'Yong tipong hindi nila tayo kayang mawala sa buhay nila-" Natigilan siya at namilog ang mga mata niya.
Kumunot naman ang noo ko.
"Oh, My God!" Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinaplos ang promise ring na binigay ni Brixel.
"It's just a promise ring, Andrea," sabi ko dahil paniguradong iba ang nasa isip niya.
"I know 'cause I designed it," aniya.
"We? Talaga?" gulat na sabi ko.
Ngumisi naman siya. "Brixel asked me a favor, gusto niyang ipagdesign ko siya ng promise ring. Alam ko namang para sa'yo 'yon, nagulat lang ako kasi naipagawa niya na pala."
Napangiti naman ako.
Talagang pinagawa pa 'to ni Brixel para sa akin?
"Ang swerte mo sa kanya pero 'di hamak naman na mas swerte siya sa'yo, Ate. I'm rooting for the love story of the both you. Lifetime na 'yan."
Ngumiti pa siya sa akin bago magpaalam dahil may gagawin daw siya sa kwarto niya.
Sunod-sunod naman ang pagvibrate ng phone ko.
From: Brixel
I miss you.From: Brixel
Wish you were here.From: Brixel
Wanna go there at Vera's house to see you.
![](https://img.wattpad.com/cover/183523145-288-k784111.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomantikKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...