Chapter 29

186 6 1
                                        

Mabilis na nagdaan ang mga araw at ngayon ay Sabado na.

"Sobrang excited mo ata? Saan ang punta mo?" kuryosong tanong ni Kyril.

Lumawak naman ang ngiti ko. "May appointment kami doon sa kinuha na wedding coordinator ni Brixel."

Halos mabingi ako sa pagkakatili ni Kyril.

"Oh, My God! Totoo?"

May inilawak pa ang ngiti ko. "Yup."

"Anong nangyayari?" Halos madapa pa si Briana sa pagkakatakbo niya pababa sa hagdan.

"Itong Ate mo kasi nagpaplano na pala ng kasal!" Muling tumili si Kyril at ano pa bang aasahan niyo? Nagtitili na rin si Briana.

"Iplano niyo ng bongga, ah? 'Yong bonggang-bongga."

Natawa naman ako sa sinabi ni Briana. Maya-maya lang ay dumating na sa Brixel at agad na kaming umalis dahil baka nandoon na si Bridgette.

"Good morning, soon to be Mr. and Mrs. Larson!"

Nangiti naman agad ako sa sinabi ni Bridgette. Ang sarap-sarap kasi pakinggan ng Mrs. Larson.

"So ngayon po we will plan the reception. May nakuha na po ba kayong restaurant na magkecater sainyo?" tanong ni Bridgette.

Nilingon ko si Brixel. "May kaibigan akong chef," aniya.

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "Sobrang sarap niya magluto, magugustuhan mo 'yon."

I nodded.

"That's good, Mr. Brixel. Siya na rin po ba ang bahala sa cake niyo? I can recommend some bakeshop that bakes really good cakes."

I bite my lower lip. Nag-aalangan ako pero may gusto ako.

"What is it?" tanong sa akin ni Brixel. Basang-basa niya na talaga ang mga expression ko.

"I want to bake our cake."

Nangiti si Brixel. "You sure?"

"Pretty sur,." natatawang sabi ko.

I'm not good as well as professional baker, but I can bake a really good cake.

"So we don't need to do food tasting," sabi ni Bridgette sabay ngiti.

We planned almost everything, the church, the entourage, the souvenirs, I mean we planned not almost everything, we already planned everything.

"I'll send different design of invitations, just tell me kung may gusto kayong ipabago kahit small details lang."

Tumango-tango ako. "Thank you for everything, Bridgette."

"It's my pleasure, Ms. Kim."

"So, gusto mo ba manood muna tayo ng movie?"

I shook my head immediately. "Wag na. May gagawin kami ni Andrea."

"Ano?" kunot noong tanong niya.

"Siya 'yong magdedesign ng wedding dress ko. Kailangan ko na rin paghandaan 'yon, mahirap na at baka magulat na lang ako, kasal na pala natin sa isang linggo."

Humagalpak naman sa tawa si Brixel. "Nafix naman na natin ang date ng kasal, ah? 3 months from now."

"Si Brixel Jayden Larson ka at alam ko ang posibleng tumakbo sa utak mo, baka mamaya ay biglang magbago ang isip mo."

He chuckled.

"Hey, pretty!" bungad sa akin ni Andrea. Hinihintay na niya ako rito sa kwarto niya. Gusto pa nga sana magstay ni Brixel kaya lang ay sinabi ko na hindi ko siya maaasikaso o masasamahan man lang sa baba dahil magkukulong kami ni Andrea dito sa room niya.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon