Chapter 39

227 10 3
                                    

Panay ang pagtingin ko sa rear view mirror para sulyapan si Brixel na ngayon ay payapang natutulog sa backseats.

Kanina matapos niya akong yakapin ay bigla siyang nawalan ng malay dahil na rin siguro sa sobrang kalasingan, ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya na ganito kalasing.

"Hay! Mabuti na lang at naisipan ko na sundan siya," sabi ni Briana nang mapagtulungan naming akayin si Brixel papunta sa kwarto nito.

"Ano bang nangyari? Bakit siya nagpakalasing ng ganyan?"

Lumungkot ang mga mata ni Briana. "Ayaw niyang makita ko siyang ganyan. Gusto niyang ipakita na kontrolado niya ang lahat kahit hirap na siya, kahit na hinang-hina na siya ay pinapakita niya pa rin na malakas siya."

"Ayaw niyang mag-isip ka nang mag-isip, Bri." Hinawakan ko ang kamay ni Briana. "Ayaw niyang mamroblema ka. Your brother wants your happiness."

Nangilid ang luha ni Briana. "I'm so lucky for having him as my brother, I couldn't ask for another brother. Noon pa man ay lagi niya na akong inuuna bago ang sarili niya."

"Your brother is a great man." Nangiti ako.

"Ate, thank you for being there for him. Sa kabila ng nangyari sainyo ay nanjan ka pa rin at handang damayan siya. Kung maswerte ako kay Kuya ay napakaswerte naman niya sa'yo."

"It's no big deal, Bri. Kahit ano man ang nanyari, Brixel will always have a special place in me."

Niyakap ako ni Briana.

Ngayon ay nandito ako sa kwarto ni Brixel, katatapos ko lang siyang punasan at palitan ng kahit damit lang.

"Will you runaway with me, Kianna?"

Paulit-ulit na nag-eecho sa isip ko ang sinabi ni Brixel kanina.

Sa sobrang kalasingan niya ay kung anu-ano na lang ang sinasabi niya.

"Runaway? Really? Would you really runway with me, Brixel Jayden? Mas pipiliin mo bang takasan ang lahat? 'Cause I doubt it. Alam kong hindi mo kayang takbuhan ang mga nangyayari. You're a brave man. Ratel remember? The most fearless! You are brave enough to face this trials kaya wag mo na ulit isasagi sa isip mo ang tumakas at isa pa, kung sakaling tatakas ka." I took a sigh. "Ako ba talaga ang gusto mong kasama? O baka isa rin ako sa mga gusto mong takasan?"

Matapos kong asikasuhin si Brixel ay nagpaalam na rin ako kay Briana. Ayaw niya pa nga sana akong pauwiin kaya lang ay naalala ko na baka hinihintay ako ni Chester sa bahay.

"What happened?"

Nadatnan ko si Chester na prenteng-prente ang pagkakaupo sa sofa habang nanonood ng movie.

"Ayun sobrang lango sa alak si Brixel. Mabuti na lang at dumating ako kung hindi baka nabaliw na si Briana dahil ayaw makinig sa kanya ng kuya niya."

"So you're telling me nakinig siya sa'yo?" Umangat pa ang isang kilay ni Chester.

"Hindi naman. Nawalan siya ng malay." 

"Oh? Come on, Kianna Michaela Zamora! Kahit noong bago pa lang tayong nagkakilala ay ang dali mo na talagang basahin, ngayon pa kaya?"

I took a heavy sigh. "Fine! Noong nakita niya ako ay yumakap siya sa akin at dahil sa kalasingan niya ay tinanong ko niya ako if I want to runway with him pero as if naman na gusto niyang tumakas, diba? O as if naman na gusto niya talagang tumakas kasama ako?"

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon