Chapter 14

127 4 0
                                        

Abala kaming lahat ngayon dahil nagyaya ang mga boys na magpunta sa Celestina lake, wala akong ideya kung saan banda iyon dahil bukod sa hindi naman ako taga dito sa Montreal ay sa Sentro lang din ako madalas magpunta.

Nang sabihin ni Bri na nanjan na si Stephen na may dalang pick up ay nagmadali akong bitbitin na ang ibang pagkain para isakay sa pick up ni Stephen. 'Yong ibang pagkain ay si Brixel na ang nagluto, nagmamadali rin kami para makarating agad kami sa Celestina lake. Hindi rin kasi biro ang byahe papunta roon.

"Let me help you." Sinalubong ako ni Brixel at kinuha ang mga dala ko tsaka niya tinulungan si Briana na maglinis ng ihawan na gagamitin namin mamaya.

Napangiti naman ako.

Lalo akong naiinlove sa'yo, Brix.

Nasa dead end na kami kung saan kailangan pumasok para marating ang kinaroroonan ng Celestina. Sobrang pangit ng daan at hindi pwede na basta sedan lang ang dala mong sasakyan dapat ay 'yong ganito kagaya ng Jeep ni Sage.

"Lagpasan mo agad ang talamapas Kuya, ah? Hindi ko pa kasama ang lalaking para sa akin."

Natawa naman kami sa sinabi ni Jade.

Mayroon kasing paniniwala ang mga taga dito sa Montreal tungkol sa talampas. They called it Talampas ng Pag-ibig. Kung sino raw ang kasama mo sa taas habang papalubog ang araw ay siya na ang makakasama mo sa pang-habang buhay. Napakaromantic ng paniniwalang iyon.

"Paano naman sila Kim? Siyempre gusto rin nila magkatuluyan habang-buhay," sabi ni Sage.

"Shut Up, Sage!" Nag-init ang mukha ko.

Nahihiya pa rin talaga ako kapag ang boys ang nang-aasar sa amin. Humalakhak lang si Brixel sa inakto ko.

"Ito naman si Ate Kim, nahihiya pa!" panunukso sa pa ni Jade.

"We don't need to go there. Kami na talaga ni Kim habang-buhay," hirit ni Brixel kaya lalo kaming inulan ng panunukso.

Hinila niya ako tsaka hinalikan sa may sentido.

"Edi kayo na ang may mga panalong lovelife!" Jade rolled her eyes. Nagtawanan naman kami.

Sobrang tarik pala pababa ng Celestina lake. Nakakatakot dahil konting maling step lang ay paniguradong laglag ka.

Napagkasunduan ng mga boys na sila na lang ang magdadala ng mga pagkain at gamit sa isang kamay nila habang ang isa pa nilang kamay ay nakaalalay sa amin.

"Don't be scared 'cause I'm here," sabi  ni Brixel tsaka mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko.

Napangiti naman ako.

Hindi na ako matatakot hangga't nanjan ka, Brixel.

Worth it ang hirap ng daan once na makababa ka na rito sa Celestina lake. Ang berdeng paligid, ang sariwang hangin, huni ng mga ibon at ang crystal white na tubig ay sobrang nakakarelax. You will find calm and peace in this place.

Habang wala ang boys dahil kinuha pa nila ang ibang gamit na naiwan ay naisip namin na mag-ayos na ng ibang gagawin dito. Kami ni Kyril ay nagtatali ng tela sa magkabilang puno na siyang magsisilbing bihisan namin habang sina Vera ay sinesetup ang folding table na siyang pagpapatungan ng mga pagkain.

Inaasikaso ko na ang ihawan para makapag-ihaw na ng liempo at mga hotdogs nang agawin ni Brixel ang hawak kong pamaypay at posporo.

"Kaya ko naman, Brixel."

"Mas kaya ko, Kim. You go swimming with them." Ininguso niya pa sina Andrea na enjoy na enjoy sa paliligo sa lawa.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon