Chapter 30

225 7 3
                                        

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalilimutan ang lalaking nakita ko tatlong araw na ang nakakalipas, hinihiling ko na sana ay nanaginip lang ako.

"May problema ba?"

Napaigtad ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Brixel sa gilid ko.

"Ginulat mo ako!"

Naningkit ang mga mata niya. "Mukhang malalim nanaman ang iniisip mo? Ilang araw na kitang napapansin na ganyan. What's wrong? I'm worried."

I shook my head immediately. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ikakasal na kami pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang tungkol sa nakaraan ko.

"Kinakabahan lang ako sa nalalapit na pagtatrabaho ko sa Bureau of Customs," I lied and I'm so sorry.

Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Don't worry, magaling ka. Ikaw ang pinakamagaling sa lahat." Kumindat pa siya.

Natawa naman ako. "Bolero!"

Nakapaunfair ko! Laging pinapagaan ni Brixel ang loob ko pero heto ako at nagtatago ng sikreto sa kanya.

"Wag ka na mag-isip jan, ah?" He pinched my cheek. "Gusto kong palaging nakikita ang mga ngiti mo."

At tulad ng sinabi ni Brixel ng araw na 'yon ay itinigil ko ang pag-iisip ng kung anu-ano, itinigil ko ang pag-iisip ko sa lalaking iyon. Pinilit kong kalimutan ang takot ko.

And it's been two months since I worked happily in my new job.

"Bye, Kim, Bye Val!" Bumeso pa sa amin si Celeste.

"So anong plano mo this long weekend?" tanong ni Valerie, kung naalala niyo si Valerie ay ang college friend ko at ngayon ay kasama ko rin sa trabaho.

"Siyempre uuwi sa Montreal, marami akong kailangan asikasuhin para sa wedding."

"Oo nga pala! In less than a month ay Mrs. Larson ka na!" Ngumisi pa siya nang nakakaloko.

Pagdating sa apartment na tinitirhan namin ni Valerie ay nag-asikaso agad ako ng para sa dinner namin.

"Si Brixel nasa Manila pa rin?" tanong ni Valerie bago lagukin ang tubig na laman ng hawak niyang baso.

"Oo. Bukas pa ang uwi niya, susunduin niya ako para sabay na kaming umuwi ng Montreal. Ikaw ba? 'Di ka uuwi?"

She rolled her eyes. "'Di muna. Makikita ko lang 'yong gago kong ex, sira ang weekend ko!"

Natawa naman ako.

Agad kong tinapos ang mga trabaho para sa araw na 'to at para makauwi ako ng maaga. Hindi na kasi ako mapakali nang mabasa ko ang message ni Brixel na nandito na siya sa Monte Vista.

"Take care and happy long weekend at for sure sayang-saya ka talaga sa weekend!"

Natawa naman ako at napailing sa sinabi ni Valerie.

"Wag ka na jang bitter! Get a new man!"

Humagalpak siya sa tawa. "Oo. Bukas na bukas din!"

Sumilay ang malaking ngiti sa labi ko nang makita ko si Brixel na nakasandal sa kotse niya.

"Flowers for you." Ang laki rin ng ngiti niya habang inilalahad ang bouquet ng mapupulang rosas.

"Ba't may flowers?"

"Wala lang. Gusto lang kitang bigyan. Bawal ba?"

I shook my head.

Hay naku, Kianna Michaela! Hindi ka na nasanay jan kay Brixel.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon