Halos lumundag ang puso ko kanina nang sabihin ni Brixel na nandito siya para sunduin ako, delikado na raw kasi kung uuwi ako mag-isa, e alas siete naman ang out ko at maaga pa 'yon.
"Boyfriend mo 'yon, Kim?" tanong ni Camille, partner ko ngayon dito sa Swiftea.
Nag-init naman ang mukha ko. "Hindi, ah! Kaibigan ko lang 'yon."
"Ah, akala ko boyfriend mo. Bagay kayo."
Ngumisi naman ako. "Baliw ka!"
Bago pa mag-alas siete ay nakapagpalit na ako ng damit, nakakahiya kasi kay Brixel kung paghihintayin ko pa siya ng mas matagal.
Pagkatapos kong magpalit ay kinuha ko na sa counter ang ginawa kong caramel milk tea for Brixel, ang madalas niya kasing inoorder dito ay caramel milktea.
"Hi!" Naabutan ko siyang abala sa phone niya. Nag-angat naman siyang tingin sa akin.
"Hello! Uwian na?" Ngumiti rin siya.
Nasilayan ko nanaman ang dimple niya!
Tumango naman ako tsaka nilahad ang caramel milk tea. "For you."
"Really? Bakit?"
I smiled. "Pa-thank you ko na kasi sinundo mo ako ngayon."
"Hindi na kailangan ng mga pa-thank you, Kim. I love what I'm doing now."
Gusto kong magtatalon sa kilig. Brixel, naman!
"Shall we go?"
Tumango naman ako.
Nagulat pa ako nang kunin niya ang bag ko.
"Ako na magdadala nito."
Halos mabingi naman ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Gusto ata talaga ni Brixel na mamatay ako sa kilig.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat.
I smiled at him. "Thanks."
He smiled back.
"Hindi mo talaga tinatanggal 'yong dog tag necklace mo, no?"
Bakit mo ba pinapakialamanan 'yan, Kianna?
Sumulyap siya sa akin. "Never. This means a lot to me. Bata palang ay nasa akin na 'to."
Tumango naman ako.
"Kim."
"Hmm?"
He laughed. Kumunot naman ang noo ko.
"Your name is Kianna Michaela, right?"
I nodded. "Oo, bakit?"
"Why Kim?" Muli siyang sumulyap sa akin.
"Why Kim? Ah, buntis palang sa akin si Mommy when she decided that my nickname should be Kim since Kianna is too long for her, Kim came from Kianna and the m was came from Michaela. Ang kulit, diba?" Natawa pa ako.
"I think it's cute, everything about you is cute."
I looked away. Nag-init ang pisngi ko.
"My parents should called me Brij instead of Brix." Tumawa pa siya. "And I guess that's better and unique."
"Maganda naman 'yong Brix, ah? Maganda iyong pangalan mo." And I'm in love with it.
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomanceKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...
