"Bakit hindi mo pinapasok si Yua?"
Shit! Rinig na rinig ko ang tabang sa boses ko.
Nangingisi si Brixel kaya tinalikuran ko na siya pero niyakap niya ako mula sa likuran ko.
"Are you jealous?"
Rinig na rinig ko ang panunukso sa boses ni Brixel.
Napanguso naman ako. "Hindi ako selosa, Brixel. Kaya lang iba pala kapag ex mo, I mean ex-fianćee pa tapos ubod ng yaman pa at sobrang ganda pa!"
Pinilit ni Brixel na iharap ako sa kanya.
"I don't care, Kim, kahit ikaw pa ang pinakamahirap sa mundo. You don't need to be jealous and feel insecure. Hindi mo kailangan makipagcompetensya sa kahit na sino 'cause you always outshine them, baby."
Ang lakas-lakas talagang mangbola nitong si Brixel.
Hinila niya ako tsaka hinalikan sa noo.
"I love you," he whispered.
"I love you too, Brixel."
Magkahawak ang kamay namin ni Brixel mula nang lumabas kami ng suite hanggang sa makalabas kami ng hotel at hanggang ngayon na nasa kotse na kami. May sumundo sa amin kotse ni Brixel kanina at ang sabi niya ay kasama na rin daw sa package na inavail niya.
"We will first explore Tokyo since nandito na rin tayo," aniya.
Tumango naman ako. "Sige."
Our fist destination is the beautiful Ueno Park and Zoo. Sa mga movies lang ako nakakakita ng cherry blossom tree but now, God! Ang gaganda nila!
"Let me take you a picture," pagpepresinta ni Brixel na agad naman akong pumayag. Hindi pwedeng wala kong magiging picture dito, no!
Ngiting-ngiti si Brixel kaya napalaki din ang ngiti ko. Matapos niya akong picturan ay kumausap siya ng isang Japanese para makisuyo na picturan kami.
Namilog ang mga mata ko nang biglang halikan ni Brixel 'yong pisngi ko. Nangiti pa iyong kumuha sa amin ng litrato.
"Arigatou Gozaimasu!" pagpapasalamat ni Brixel.
Ginaya ko naman siya. "Arigatou Gozaimasu!"
Ngumiti naman 'yong Japanese na nagpicture sa amin.
"Yōkoso. Koi ni ochinai," aniya bago umalis.
"Anong sabi niya? Welcome daw tsaka?"
"Stay in love." He intertwined his hand on mine. "Of course, we will."
Nangiti naman ako.
Ang una naming pinuntahan dito sa Ueno Park ay ang zoo na nasa west side nitong park, this is the oldest zoo dito sa Japan and the main attraction is the female panda.
"She's so cute!" Tuwang-tuwa ako at gustong-gusto ko siyang yakapin.
"Her name is Xiang Xiang," sabi ni Brixel.
Xiang Xiang is too cute!
After namin sa zoo ay sa Kaneiji Temple kami next na nagpunta na nasa north end naman nitong Park. I really admire Japanese temple, tuwang-tuwa ako sa itsura nila kahit noong sa movie ko palang 'to nakikita. May isa pa kaming temple na pinuntahan bago nagyaya si Brixel na bumili muna ng maiinum.
Dito sa loob ng Park ay meron ring Starbucks.
"Are you happy?" tanong ni Brixel.
I smiled. "Super. Not just because we're here at Japan but also because I'm with you."
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomanceKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...