Nang maalimpungatan ako ay nakasandal pa rin ako sa dibdib ni Brixel. Kagabi ay takot na takot kami sa narinig namin na mga alulong at isama mo pa na yumugyog ang tent namin kaya naman nagtatakbo kami papasok dito sa tent ng mga boys at wala nang pakialam kahit magmistulang mga sardinas kami dito dahil sa sobrang sikip na.
Hindi kami makahiga ng maayos kaya ang ginawa ni Brixel ay umupo na lang siya tapos ay pinasandal niya ako sa dibdib niya. Sinigurado niya rin na komportable ako. Ayaw na ng girls na bumalik sa tent namin kahit pa sumama sila Shin.
Nang gumalaw ako ay humigpit ang yakap ni Brixel. Napangiti naman ako.
Hindi naman ako mawawala, e.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Tulog na tulog pa silang lahat.
Si Brixel kaya?
Dahan-dahan akong gumalaw para sana umalis sa pagkakayakap ni Brixel nang yakapin niya ako nang mahigpit.
"Good morning."His voice is so husky, mukhang kagigising lang din niya.
Nangiti naman ako. "Good morning."
"How's your sleep?" Hindi pa rin niya ako binibitawan.
"Okay naman."
Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ulo ko.
"Very good," aniya tsaka kumalas sa pagkakayakap sa akin. Chineck ko muna kung may muta ako bago siya hinarap.
"You're so beautiful, Kim." Ngiting-ngiti siya sa akin.
"Agang bolahan!" sabi ko tsaka maingat na binuksan ang zipper nitong tent. Mahina namang tumawa si Brixel.
Napangiti ako nang makalabas ako ng tent.
Good morning, Celestina!
Para akong nasa isang paraiso, in love na in love talaga ako sa lugar na 'to.
Nag-ayos muna ako ng sarili tsaka magluluto sana ng pagkain namin pero nangialam nanaman si Brixel sa pagluluto at ayaw akong patulungin.
"Ano ba 'yan! Sanay naman ako sa mga ganitong gawain. 'Di ako prinsesa, Brixel!" reklamo ko pa.
"Prinsesa kita." Kumindat pa siya sa akin. Inirapan ko naman siya.
"Parang mag-asawa lang, ah?" Humagikhik pa si Andrea.
Napailing naman ako tsaka inabutan siya ng sandwich.
"Thanks, Ate."
Kasunod niyang lumabas sa tent si Stephen at si Shin na humihikab-hikab.
"Grabe talaga 'yong nangyari kagabi!" Hindi pa rin makaget over si Andrea.
"Kunwari ka pa, nagustuhan mo rin naman dahil nakatabi mo ako," sabi ni Stephen. Binato naman siya ni Andrea ng tsinelas.
"Kapal mo talaga, Montreal!"
Humagalpak naman si Stephen maging sina Shin at Brixel habang ako ay nangingiti.
Natatawa na lang ako habang binubugbog nila Kyril si Shin, paano ba naman ay siya lang pala iyong nagyugyog ng tent namin kagabi. Lakas talaga ng trip niya.
At dahil nga ayaw naman ng boys na patulungin kami sa pagluluto na akala mo ay napakabigat na trabaho ay nagkayayaan na lang kaming girls na magswimming.
"Lamig!" Napatili pa si Briana nang lumusong siya sa lawa.
Totoong nakakapanginig ang lamig ng tubig.
"Shin!" pagtawag ni Briana.
Lumapit naman si Shin.
"O? Anong kailangan mo?"
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomanceKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...
