Chapter 6

149 6 0
                                        

Ngayon ay si Brixel ang pumili ng restaurant na kakainan namin kaya nandito kami ngayon sa mamahaling restaurant.

"Okay lang naman kung sa Jollibee na lang tayo or Mcdo."

Tinitigan ako ni Brixel. "Don't worry about the prices here, ako ang magbabayad."

"Pero-"

"No more but's, Kim. Ako ang nagyaya." Sa tono ng boses niya ay wala talaga siyang balak na magpatalo.

I nodded. "Fine!"

He smiled. "Good girl."

Parang ayoko na umorder nang makita ko ang presyo na nasa menu book. Grabe naman 'to! Ang afford ko lang dito ay isang orange juice.

"What's yours?"

Napangiwi naman ako. "Ang mahal," mahinang sabi ko.

"It's fine. Mag-order ka ng gusto mo," aniya.

Hindi talaga ako makapili kaya si Brixel na ang pumili para sa akin.

"Parang ang dami naman nito," nahihiyang sabi ko.

"Kontin lang 'yan. Are you on a diet?"

Umiling naman ako. "Hindi naman."

"Kasi kung diet ka, I'll order healthier food for you."

Umiling naman ako. "Hindi! Okay na 'to."

Tumango naman siya.

Bakit parang sobrang maalaga naman ni Brixel? Ano ba tayo?

Sinaway ko naman ang sarili ko sa naisip ko. Wag kang masyadong umasa, Kim. Si Brixel 'yong tipo ng taong hindi magsesettle sa less. Sino ba naman ako kung ikukumpara sa kanya, diba?

"Bakit? May problema ba?"

Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang bumuntong-hininga ako.

Umiling naman ako. "Nothing. Pagod lang siguro," pagsisinungaling ko.

Matapos namin kumain ay hinatid na ako ni Brixel sa bahay.

"Thank you ulit, Brixel."

He smiled. "Your welcome, Kim."

Hay! Nakakawala naman ng pagod ang mga ngiti na 'yan.

Nang makapasok na ako sa loob ay tsaka lang pumasok si Brixel sa kotse niya. Nagvibrate ang phone ko.

From: Brixel
Thank you, Kim. I'm so happy.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko.

Ako rin, Brixel. Sobrang saya ko rin.

Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin kami sa pagtetext ni Brixel, consistent din siya sa pagsundo sa akin sa school papuntang Swiftea tapos sa pagsundo sa akin sa Swiftea pauwi dito sa bahay.

Halos araw-araw rin akong puyat dahil may mga gabi na hindi kami makuntento ni Brixel sa pagtetext kaya tumatawag siya sa akin at inaabot kami ng anong oras.

Ang mga kilos ni Brixel ay parang may pinapahiwatig, masyado siya caring at sweet. Minsan hindi ko na rin maiwasan na matanong ang sarili ko kung ano nga ba kami ni Brixel?

E, ano nga ba? Magkaibigan lang naman kayo, diba?

Sabado at tanghali na akong nagising, mas pinili ko kasi na tuwing Sabado na lang ang maging day off ko para naman makapagpahinga ako ng mas mahaba. Kinuha ko na ang laundry basket ko at bumaba na para maglaba. Muntik ko pa mabitawan ang basket nang madatnan ko dito sa sala si Brixel at prenteng-prente na nakaupo sa sofa.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon