Chapter 20

195 7 1
                                        

Nagpatawag si Brixel ng room attendant para ipatapon 'yong basura namin na alam kong sinadya niya para makitang tinapon niya 'yong cake na binigay ni Yua at nang makarating 'to sa kanya.

"Baka paalisin tayo dito!"

"Don't care, Kim. We can book another hotel. And besides, they won't do it," confident na sabi ni Brixel.

"Siyempre! Patay na patay sa'yo si Yua, e."

Humalakhak naman si Brixel.

"Damn! Selosa ka pala talaga."

Naningkit naman ang mga mata ko sa kanya. Muli siyang natawa.

Napatili ako nang habang inaayos ko ang table para sa dinner ay biglang akong binuhat ni Brixel.

"Dito ka na muna." Nilapag niya ako sa kama at niyakap nang mahigpit.

"Aayusin ko muna 'yong pagkain natin. Para naman akong mawawala!"

Lalong humigpit ang yakap niya. "Nanghihina ako kapag wala ka sa tabi ko."

Natawa naman ako.

"Ewan ko sa'yo, Brixel!"

He chuckled. "Kinikilig ka nanaman jan!"

After namin kumain ay nagyaya si Brixel na tumambay kami sa balcony. He wrapped his arms around me, I will be forever in love with this beautiful Tokyo city lights view.

"Nakakainlove 'yong view." I smiled.

"Mas nakakainlove ka, kung alam mo lang."

"Banat nanaman tayo, ah?"

Mahina naman siyang tumawa.

Ilang minutong walang nagsasalita sa amin na tila pareho naming ninamnam ang moment ngayon, napapapikit pa ako dahil sa sarap at init ng yakap ni Brixel hanggang sa tuluyan na akong kinain ng antok at nagising na lang ako na nasa kama na.

Napangiti ako nang pagmulat ng mga mata ko ay ang gwapong mukha ni Brixel ang tumambad sa akin. He's still sleeping. I traced my index finger to his nose.

Why so perfect, my love?

"Good morning,"he huskily said.

Agad ko naman tinanggal ang index finger ko sa ilong niya.

"Sorry for waking you up," ani ko.

He smiled. "Ang ganda ng umaga ko." He pinched my nose. "Pagmulat na pagmulat ko ay mukha mo agad ang nakita ko. You are an angel in person, my angel."

"Aga aga, ah?"

Mahina siyang tumawa kaya natawa na rin ako.

Pareho naming napagkasunduan ni Brixel na sa buffet restaurant na lang kumain ng breakfast tapos ay dederecho na kami sa pupuntahan namin. Hindi niya tinanong kung saan kami pupunta kaya mukhang may gusto talaga siyang puntahan.

Akala ko ay dito lang din kami sa Tokyo mamamasyal hanggang sa sumakay kami sa bullet train.

"Where are we going?" tanong ko.

He smiled. "Osaka."

"Oh, My God!" I realy want to go to Osaka as much as I want to Tokyo.

We took us 2 hours and 30 minutes to arrive in Osaka via this bullet train. Bullet nga siya dahil ang bilis. Our first stop here in Osaka is the Osaka Castle.  I'm so amazed by how this castle is old already yet still so classy. At siyempre! May mga cherry blossom tree din sa paligid nitong castle. Panay ang picture sa akin ni Brixel at kapag siya naman ang pinipicturan ko ay pakiramdam ko ay kinukuhaan ko ng litrato ang isang modelo. Brixel Larson is so goddamn perfect!

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon