Sa backseat pinaupo ni Brixel si Briana habang ako ay nasa front seat. Nang lingunin ko si Briana ay wala na siyang malay samantalang ako ay parang nawala ang lasing ko.
Magkasalubong ang dalawang kilay ni Brixel habang nagdadrive.
"Sana ay hindi mo na lang sinuntok 'yong lalaki, customer niyo pa rin siya."
"I don't care, Kim. Kahit sino pa siya ay wala siyang karapatang hawakan ka!" galit na sabi niya.
"Hindi naman niya ako nasaktan."
"Kim, please. Mamaya na tayo mag-usap, nagdadrive pa ako." Pumungay ang mga mata niya.
I looked away.
Binuhat ni Brixel si Briana papunta sa kwarto niya habang ako ay nakasunod sa kanila.
"Mag-uusap pa tayo, Kim," sabi ni Brixel bago pumasok sa kwarto ni Briana. Tumayo na lang ako sa gilid ng pinto at hinintay na makalabas si Brixel.
Nagkatinginan kami ni Brixel tapos ay nauna siyang bumaba. Nakasalubong pa nga namin ang nakangising si Kyril.
Tuwang-tuwa porket si Alezander ang naghatid.
"Himala! Nagpass out si Vera?" Hindi ako makapaniwala nang makasalubong din namin si Sage na buhat-buhat si Vera.
Nakatayo si Brixel sa tapat ng kotse niya, bigla naman akong nanlamig habang papalapit sa kanya.
"Brixel."
He took a sigh. "Sorry sa nangyaring gulo kanina, hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Alam ko namang wala akong karapatan na magalit sa tuwing may ibang lalaking umaaligid sa'yo. I'm sorry kung pinagdadamot kita kahit wala naman akong karapatan."
"Brixel, I'm fine with you being territorial to me." I bite my lower lip.
Dahil sa alcohol sa sistema ko ay ang tapang kong magbitaw ng ganitong mga salita.
"Pero hindi ka pa rin sa akin, Kianna."
Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko rin alam kung paano nangyari.
I tiptoe and gave Brixel a peck on the lips.
"Masyado kang maraming sinasabi, e gusto rin naman kita."
Kanina ko pa sinasabunutan ang sarili ko. I remember everything that happened last night all too well! Ako ba talaga 'yon? Paano ko nahalikan si Brixel? Shit ka, Kianna! Nakakahiya ka! Nang asarin tuloy ako nila Kyril tungkol sa amin ni Brixel ay mas hiyang-hiya ako.
"Ewan ko sainyo!" Pinagbabato ko sila ng throw pillow tsaka umakyat na rin sa kwarto ko para mag-asikaso na.
Kung hindi si Vera ay ako naman ang aasarin nila Briana. Mga baliw din talaga!
Kami ang partner ni Vera ngayon dito sa Swiftea at sobrang tumal. Ganito naman kasi talaga kapag vacation, malakas naman kasi 'to dahil sa mga estudyante.
Para may magawa lang ay nagpunas na lang ako ng counter kahit na malinis naman na dahil ilang beses na naming pinunasan ni Vera.
Napasinghap ako nang pumasok ang grupo nila Brixel! Ngumisi sa akin si Brixel kaya agad akong umayos ng tayo at pumwesto sa likod ni Vera, siya na lang ang kumuha ng order nila at ako na lang ang gagawa.
Hindi ko pa rin kayang humarap kay Brixel. Habang kinukuha ni Vera ang orders nila Alezander ay hindi ako mapakali dito sa likod niya. Nanlalamig ako, shit!
"Ate, ikaw daw ang gusto ni Brixel," ani Vera nang lumapit sa akin.
Nag-init naman ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomansaKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...
