Chapter 36

242 9 4
                                        

''Yong kasama mo noong araw na kinuha mo iyong Everest ay siya ring kasama mo ngayon, right?" Halos mapaigtad ako sa gulat nang biglang magsalita si Brixel.

Hindi ko alam kung paano ako pumayag na ihatid ni Brixel basta ang alam ko lang ay nang bumalik ako sa katinuan ay nandito na ako sa kotse niya.

"Ah! Oo," sagot ko pero ang mga mata ko ay nakapako sa labas. Hindi ko siya kayang tignan, sa mga oras na ito ay parang gusto ko na lang maglaho bigla.

Damn this awkwardness!

"Hindi ka niya dapat hinayaan mag-isa," aniya.

"Nagrestroom lang siya." I lied.

"Really? Okay. Sabi mo, e."

Pakiramdam ko ngayon ay sobrang layo ng BGC sa Mandaluyong. Feeling ko ay sobrang tagal ko nang nakaupo dito sa front seat ng kotse ni Brixel.

Huminto si Brixel sa tapat mismo ng bahay ko.

"Thanks. Alam mo pala ang bahay ko?" gulat na sabi ko nang maalala na hindi ko naman binigay sa kanya ang exact address ko.

"Sinabi ni Bri."

Tumango na lang ako tsaka muling nagpasalamat bago nagmadaling bumaba sa kotse niya. Halos mapamura pa ako nang tuluyan na akong nakababa sa kotse niya.

Feeling ko ay hindi na ako humihinga kanina habang nasa kotse kami ni Brixel.

Pakiramdam ko ay nanghihina ako kaya agad akong sumalampak sa sofa. Ipinikit ko ang mga mata ko at halos mapatalon ako nang maalala si Chester.

Hindi ako nakapagpaalam sa kanya!

Agad kong binuklat ang bag ko para kunin ang phone pero wala rito ang phone ko.

Hindi kaya naiwan ko sa Revel? O baka naman sa kotse ni Brixel? Mas gusto ko pa na naiwan ko sa Revel kahit na imposible nang mabalik kesa sa naiwan ko sa kotse ni Brixel! Nakakainis! Napakaburara mo, Kianna!

Pinilit ko paganahin ang laptop para doon sana maglog in ng Facebook account ko at nang maimessage ko si Chester dahil paniguradong hinahanap na ako noon sa mga oras na 'to.

Pilit ko pa rin na inaayos ang laptop nang may magdoor bell.

Mukhang si Chester na 'yon kaya agad akong tumayo dali-daling lumabas ng pinto. Medyo kinabahan pa ako habang palapit nang palapit sa gate dahil baka ito ang unang beses na makatikim ako ng sermon kay Chester.

"Nalaglag mo sa kotse."

Halos lumundag palabas ang puso ko nang pagbukas ko sa gate ay si Brixel ang tumambad sa akin. Nanginginig pa ang kamay ko habang inaabot ang cellphone ko na hawak niya.

"Stop shaking, it's just me." He smirked.

Agad kong hinablot ang cellphone ko.

"Thanks." Agad ko nang sinaraduhan ang gate.

Ano ba, Brixel Jayden?

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakasandal ako sa pinto.

Shit! Parang may nagkakarerang mga kabayo sa puso ko.

Ilang minuto pa ako sa ganoong pwesto. Iniisip ko kung totoo ba talaga ang mga nangyari kanina. Mariin pa akong napapikit.

I cannot get him out of my mind!

Hanggang ngayon ay ganito pa rin ang epekto mo sa akin, Brixel Jayden Pierro Larson!

Bumalik lang ako sa katinuan nang biglang tumunog ang phone ko.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon