Chapter 23

144 7 2
                                        

Paglabas ko ng opisina ko ay nakaabang na sa labas si Brixel.

"How's your first day?" tanong niya.

Umangat ang sulok ng labi ko. "Para akong baby sa special treatment nila!"

He chuckled.

Inirapan ko naman siya kaya lalo siyang natawa.

He wrapped his arms around my waist.

"I'm happy to hear that."

"Ewan ko sa'yo!"

Dumaan muna kami ni Brixel sa Montreal mall para kumain tapos ay hinatid niya na rin ako agad sa bahay. Mamaya kasing gabi ang flight niya papuntang States.

"Ngayon palang ay namimiss na kita." Hinila niya pa ako palapit sa kanya.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ni Vera. Kaninang umaga dapat ang flight niya kaya lang ay gusto niya akong maihatid sa office sa unang araw ko.

I know, I'm such a lucky girl.

"Mabilis lang ang two weeks, Brixel. And for the next two weeks ikaw pa rin naman ang mahal ko."

He pinched my nose. "Natututo ka na talaga, ah?"

Natawa naman ako. "Learning from the expert!"

Nagtawanan pa kaming dalawa.

"Come on, give me a tight hug."

Ngumiti ako tsaka yumakap nang mahigpit kay Brixel. "Pang-two weeks na yakap na 'yan, ah!"

"Kulang!" reklamo niya.

Nangiti naman ako.

"Kasama ka ni Kuya sa States?" bungad na tanong sa akin ni Briana.

Umiling naman ako. "Nope."

"Bakit?"

"Anong akala mo kay Ate Kim? Kasing clingy mo?" pagsabat ni Andrea.

"Wow! O, edi ikaw na ang hindi clingy!" sarkastikong sabi ni Briana.

Natawa naman ako. "Tigilan niyo na nga 'yan."

Ang hilig talagang mag-asaran nitong dalawang 'to.

Naligo lang ako tapos ay bagsak agad ako sa kama ko.

Hindi naman nakakapagod sa bago kong trabaho lalo na at parang si Ms. Hilda na rin ang gumagawa ng trabaho ko.

Kinabukasan pagmulat na pagmulat ng mga mata ko ay kinuha ko agad ang phone ko. Napangiti naman ako dahil sa dami ng messages mula kay Brixel.

From: Brixel
Just got here at the Aiport.

From: Brixel
Sleeping already?

From: Brixel
I love you. See you soon, beauty.

From: Brixel
Good morning, beauty. Sorry wala ako jan ngayon para maihatid ka. Please take care and I love you.

From: Brixel
I'm already sleepy. Don't forget to text me when you wake up.

At tulad ng sinabi ni Brixel ay agad akong nag-iwan ng message sa kanya bago ako mag-asikaso.

"Good morning, Ate!" bati sa akin ni Kyril.

"Good morning, Ky! Paluto na 'to."

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon