Chapter 10

154 4 2
                                        

Days had passed at todo kayod na ako sa Swiftea, malapit na kasing magpasukan at baka tatlong beses na lang sa isang linggo ang maging pasok ko. Mukha kasing full load na ako sa school ngayon.

"Okay ka na ba, Ate?" Kinatok ako ni Andrea.

"Oo sige, susunod na ako!" sigaw ko.

Pasukan na ng St. Scholastica at St. Celestine bukas pero ngayon palang namin naisipan na mamili ng mga gamit namin. Kaming dalawa kasi ni Vera ay naging sobrang busy, katulad ko kasi ay mababawasan na ang araw na papasok siya sa Swiftea kapag nagsimula na ang klase.

Pagdating namin sa Montreal mall ay dumerecho agad kami sa bookstore at grabeng dami ng tao.

Ako ang unang natapos mamili kaya ipinila ko na ang pinamili ko para naman may isa na sa amin na nakapila dahil aabutin kami ng siyam-siyam dito.

"Grabe! Kahaggard!" reklamo ni Kyril and we agreed. Parang walang aircon sa loob dahil sa kapal ng mga tao.

"Akala ko pa naman dahil pasukan na bukas ay wala na masyadong tao, kasi siyempre dapat nakapamili na sila," sabi naman ni Vera.

Nagpasya kami na kumain muna sa isang fast food chain.

Nakapila ako para umorder ng pagkain nang magtext si Brixel.

From: Brixel
Nasaan kayo?

Agad ko namang sinabi kung nasaan kami. Hindi na nagreply si Brixel kaya naisip ko na baka ginagawa siya.

"Sila Zander," sabi ni Kyril dahil kaya pare-pareho kaming napatingin sa may entrance.

Agad na nagtama ang mga mata namin ni Brixel, he smiled to me. He's wearing a camouflage shirt and faded jeans at ang masasabi ko lang ay ang lakas ng dating ni Brixel. Para siyang totoong sundalo.

"Kumain na kayo?" tanong ko kay Brixel. Umiling naman tsaka tumayo para umorder ng pagkain nila. Sumunod naman sina Alezander.

"Paano nila nalaman na nandito tayo?" tanong ni Andrea, e halata namang kilig na kilig pa rin sa ex-boyfriend niyang si Stephen.

"Malamang!" Ininguso pa ako ni Briana.

"Bakit? Ako lang ba ang pwedeng magsabi? Ikaw Kyril hindi mo ba nakakatext si Alezander?"

Sumimangot naman si Kyril. "Hindi."

"Wag na nga kayong mag-away, pati ba naman kung sinong nagsabi pagtatalunan niyo pa?" si Vera.

"Pasalamat ka wala si Sage kung 'di iisipin namin na ikaw ang nagreport sa kanya kung nasaan tayo."

"Shut up, Briana!"

Nagtawanan naman kami. Ang sarap talagang asarin nitong si Vera. Napakaindenial, e!

Umangat ang isang kilay ko kay Brixel nang habang kumakain siya ay panay ang pagsulyap niya sa akin at pagngiti. Ininguso niya ang sa may dibdib ko kung nasaan ang dog tag necklace niya. Ang saya-saya niya sa tuwing nakikita 'tong suot ko kaya kahit nakadress ako ay sinusuot ko na lang din 'to, siyempre, gusto ko na laging masaya si Brixel.

Ang harot naman, Kim!

Maya-maya ay dumating si Sage at nakumpleto kami.

"May gagawin ba kayo?" tanong ni Brixel.

Pare-pareho naman kaming umiling. Pero ang totoo ay mag-aayos talaga kami ng mga gamit namin.

"Nood tayong movie," anyaya ni Brixel. Nagkatinginan kami nila Kyril at pare-parehong pumayag.

"Ako na sa mga dala mo, Kim." Kinuha ni Brixel ang mga dala kong paper bag.

I smiled at him. "Thanks."

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon