Chapter 7

131 4 0
                                        

Mag-iisang taon na rin na ganito ang setup namin ni Brixel. Hindi niya direktang sinasabi kung gusto niya ba ako basta ang madalas niya lang sabihin ay special ako sa kanya at alam ko na kung ano ang tinutukoy niya pero kahit ganoon ang hirap pa rin na mag-aassume. Mas maganda talaga kung sasabihin niya mismo ng derecho 'yon. We are special friends, ewan ko nga ba kung may ganoon ba talaga.

"Ate Kim!" Ngiting-ngiti na kumaway sa akin si Andrea, siya yung huli nakaoccupy sa huling bakanteng room sa bahay ni Vera.

"Tara na ba?" tanong ko. Excited naman siyang tumango.

It's Friday at nagkayayaan kami na magpunta sa The Paradise, isang club dito sa Montreal. Hindi ako sang-ayon sa plano nila pero ano namang magagagawa ko laban sa kanilang apat.

Inilabas ko ang cellphone ko para itext si Brixel, actually 'yong spare phone pa rin ni Brixel ang gamit ko kaya lang ay ayaw na niyang ipasaoli sa akin 'to at isa pa raw makakatipid ako kung ito na ang gagamitin ko kesa naman bumili pa ako ng bagong phone.

To: Brixel
Pauwi na kami ni Andrea.

Alam niyang magkaclubbing kami dahil nagpaalam ako sa kanya, o diba? Maging kayo ay maguguluhan sa kung ano ba talaga ang meron sa amin ni Brixel. Palagi kaming nagpapaalam sa isa't-isa kapag may pupuntahan kami at nag-uupdate sa mga ginagawa namin.

"Ate?"

Nilingon ko si Andrea. "Bakit, Ands?"

"Ano ba talagang status niyo ni Brixel? Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin na kayo na?" Ngumisi pa siya.

E, paano naman ako aamin kung hindi naman talaga kami?

"We're just friends." Kesyo special man 'yan ay friends pa rin 'yon.

"Pero 'yong mga asta niyo ay hindi naman pang friends." Humagikhik pa siya.

I just looked away. Nahihiya na akong sagutin ang mga tanong nila tungkol sa akin ni Brixel.

Special friends? Is there such thing as special friends? Special pero not more than a friend? Magulo man pero masaya ako sa meron kami ngayon ni Brixel, we can always talk to each other when we have problems, I can always count in him and he's always there for me at ganoon din naman ako sa kanya.

Hindi kaya 'yong tinutukoy na special friends ay best friend? Pero alam namin pareho na higit sa pagkakaibigan ang meron kami pero hindi lalagpas sa pagiging magnobya at nobyo.

Pag-uwi namin ay kumain lang kami tapos ay kanya-kanya nang pag-aasikaso. Napagkasunduan namin na dress ang susuotin namin ngayon kaya nakayellow na halter dress ako, nabili ko lang 'to sa isang ukay shop sa may Sentro nang minsang nagpasama si Kyril. I matched my dress with a pair of black pumps.

"Ate!" Biglang bumukas ang pinto ng room ko at iniluwa nito si Briana na may dalang curler.

"Ang bilis mo, ah!" sabi ko nang makitang ready na siya.

Natawa siya. "Hindi halatang excited, no?"

Lumapit siya sa akin at sa may gilid nitong table na pinaglalagyan ng mga pangpaarte ko ay isinaksak niya 'yong plug ng curler.

"Kulutin kita, ah? Haba ng hair mo, sarap kulutin."

Sumang-ayon na lang ako sa gustong mangyari ni Briana, wala rin naman akong ibang balak na gawin sa buhok ko kung hindi hayaan na nakalugay.

"Ang ganda ng future sister in law ko!" Pumalakpak pa si Briana.

Nag-init ang pisngi ko kaya humagalpak sa tawa si Briana.

"Tigilan mo na nga ang pang-aasar sa akin, Bri!"

Lalo lang siyang humagalpak sa tawa.

Habang nasa kotse kami ni Andrea ay panay pa ang kanta namin at aaminin ko na naeexcite rin ako sa gagawin naming pagkaclubbing, hindi pa ako nakakaranas ng ganito kaya medyo may konting kaba rin

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon