Chapter 32

174 8 2
                                    

Days after I finally told my girls the real deal about me and Brixel and after that, hindi ko na siya ulit nakita.

"Bakit ganyan ang mga itsura niyo? Is there something wrong?" Ngayon ay kavideo call namin si Vera, hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Brixel at ang tungkol sa madilim kong nakaraan.

Ngayon na si Vera na ang kausap ko ay lalo akong inuusig ng guilt. Noon pa man ay si Vera na ang palagi kong kausap tungkol sa mga seryosong usapin sa buhay, she shared all her secrets to me. She treated me as her human diary.

"Vera." 'yan pa lang ang nasabi ko ay grabe na ang panginginig ng labi ko.

"Pwede muna namin kayong maiwan."

Umiling ako kay Kyril. "Hindi na. Mas okay na nandito kayo."

"Ano ba 'yon? Pinapakaba niyo ko! Are you pregnant, Ate?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Vera. "Hindi, no!"

Natawa naman sila Briana at kahit papano ay nabawasan ang pagkabog ng dibdib ko.

"E, anong problema? Grabe 'yong kabog ng dibdib ko."

I took a heavy sigh. "Wala na kami ni Brixel."

"What? No!" Umiling iling si Vera. "Imposible!"

"Two years na kaming wala."

"Hell no!" bulalas niya. "Pinagtitripan niyo ba ako?" 

"Sana nga ay pinagtitripan lang tayo ni Ate Kim." Nabasag ang boses ni Briana. "Pero totoo nga, kinausap ko si Kuya. Wala na talaga sila."

"Oh, My God!" Lumipad ang kamay ni Vera sa bibig niya. Namuo rin ang luha sa mga mata niya. "Bakit? Paano? How come that a perfect love story came to an end? Why? Bakit hindi kayo lumaban?"

"'Cause I'm not worth fighting for." Parang may bumara sa lalamunan ko.

"Hindi totoo 'yan, Ate!" madiin na sabi ni Kyril. "Wala lang kwenta si Brixel!"

"It's not his fault, ano ba kayo? Alam niyo kung gaano kabuti si Brixel. He's a perfect guy, sadyang may mga bagay lang na hindi na dapat ipaglaban pa."

"Oh, My God! So it's fucking true? Joke time ba 'to? Kung joke time 'to then fine! Napaniwala niyo na ako, please bawiin niyo na! Ate? Kyril? Andrea? Briana?"

Again, I took a sigh. "Vera, diba noon pa man ay pinipilit niyo na akong maging model ni Kyril? You know what? Being a model is my biggest dream, pero 'yong pangarap pala na iyon ay ang magdadala sa akin sa isang masalimuot na pangyayari." Pinahidan ko ang tumulong luha mula sa mga mata ko.

"I was 16 years old when someone offered me an opportunity to be a model, ang sabi kasi ay qualified ako. Maganda, morena at matangkad at siyempre! Bukod sa pangarap ko iyon ay kailangan na kailangan ko rin ng pera at sakto malaki raw ang bigayan doon."

"May sakit kasi ang kapatid ko at nasa ospital siya at malubha ang kalagayan, may butas ang puso niya and she needs an operation. Pero saan na kami kukuha ng pera kung sideline lang ang meron si Papa habang si Mama ay tindera lang sa palengke at anong maitutulong ng pagtanggap ko ng labada?" Nagcrack ang boses ko dahil sariwa pa rin sa isip ko ang hirap ng pinagdaanan ko noon.

Rinig ko na rin ang paghagulhol ni Briana habang si Kyril ay hinahagod ang likod ko.

"Akala ko ay magandang opportunity na, pero ang baklang pinsan ng mama ko ay bugaw pala. Dinala niya ako sa casa sa Maynila kung saan laganap ang pagbebenta ng mga babae at doon ako nabili ni Stanley, 'yong pinsan nila Brixel," I paused.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon