Chapter 40

265 7 1
                                    

Nang magising ako ay nandito na ako sa kwarto ni Briana at sobrang sakit ng ulo ko pero hindi ko 'yon ininda at bumangon agad para tignan kung nandito si Brixel.

I remember everything that happened last night. Kung paano niya sinabi na mahal niya pa rin ako.

"Good morning po, Ate!" energetic na bati ko sa nakasalubong na kasambahay nila Briana.

"Good morning po, ma'am!" bati rin niya sabay ngiti.

"Si Brixel ba gising na?"

Agad namang tumango si Ate Yanyan. "Yes po, maaga po siyang umalis kasi po maaga raw po ang flight niya papuntang States."

"States?"

Nagulat si Ate Yanyan sa pagsigaw ko kaya humingi ako ng dispensa tsaka agad na nagtungo sa kwarto ni Briana kung saan din ako natulog.

"Bri!" Niyugyog ko pa siya.

"Ano 'yon, Ate?" Nakatalukbong pa rin siya kaya hinila ko ang kumot.

"Briana!"

Napabalikwas naman siya. "Ano bang nangyayari? May sunog ba?"

"Si Kuya mo umalis papuntang States?"

She shook her head immediately. "Yup. Maaga siya umalis. Bakit?"

"Wala ba siyang nabanggit?" pagbabakasakali ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Nabanggit na?"

"Kahit ano."

Shit! Ano bang kahihiyan ang ginagawa ko?

Nakakalokong ngumisi si Briana. "Anong meron?"

"Wala! Never mind!" Agad na nag-init ang mukha ko.

Disappointed akong napaupo sa tabi ni Bri.

Mukhang ako lang itong umaasa na magkakaayos kami ni Brixel. He left without saying anything.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Nag-angat ako ng kilay kay Briana. Nandito kami ngayon sa pool area nila at prenteng-ni prenteng nakahiga sa sun lounger.

"Ano kayang nangyari kagabi?" She smirked.

I rolled my eyes. "Nothing," I lied.

Ayokong sabihin kay Briana hindi dahil sa aasarin niya ko kung hindi ay aasa nanaman siya na magkakabalikan kami ng kuya niya.

"Malalaman ko rin 'yan, soon!" confident na sabi niya. Nailing na lang ako.

Lumipas ang mga araw at hindi pa rin kami muling nakakapag-usap ni Brixel. Sabi sa akin ni Briana na nakabalik na ang kuya niya. Gusto ko sana siyang puntahan at kausapin kaya lang ay mukhang wala naman siyang balak na kausapin ako. Ano nga ba ang dapat naming pag-usapan? Baka wala lang sa kanya 'yong gabi na iyon? Hindi kaya masyado lang marami ang nainom niya noong gabing iyon?

Kahit na paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko pupuntahan si Brixel para kausapin ay hindi ko rin napigilan at ngayon ay nandito ako sa tapat ng bahay niya at handa na akong magdoorbell nang businahan ako ng kung sino. Bumilis pa ang tibok ng puso ko dahil sa pag-aakala na si Brixel iyon pero mula sa isang BMW sports car ay bumaba ang sopistikadang si Yua.

"Kim." She smiled.

Pinilit kong suklian ang ngiti niya. "Yua."

"So what's you doing here? Bibisitahin mo si Briana?"

Agad naman akong tumango. "Ah! Oo," pagsisinungaling ko pa.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Yua.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon