Chapter 31

181 7 4
                                    

"Friend!"

Inilayo ko sa tenga ko ang phone dahil sa nakabibinging sigaw ni Valerie.

"Kung makasigaw ka naman jan, ba't ka ba napatawag?" Sumandal ako sa swivel chair ko dahil kanina pa parang binibiak ang ulo ko sa sakit.

"Ay ang sungit naman!"

Napailing naman ako.

"Fiesta na ng Montreal sa Saturday, uuwi ka ba?"

Nagkibit-balikat pa ako na akala mo ay nakikita ako ni Valerie.

"Hindi pa ako sure, hindi ko alam kung iaaprove ni Sir Dexter 'yong request ko na 1 week leave. Kakabalik ko lang from my two weeks leave, e."

"E, bakit? Siya naman nagbigay ng two weeks leave kasi birthday gift niya raw sa'yo 'yon tsaka sure ako papayagan ka niyan kasi bet ka niyan!" Humagikhik pa siya.

"Tumigil ka nga! Nakakahiya doon sa tao, napakamalisyosa mo!"

Humagalpak naman siya sa tawa. "Joke lang! Ito naman! Sige na, see you on Saturday! Miss you! Nasa Monte Vista ka lang pero ang dalang mo na umuwi dito sa Montreal!"

I rolled my eyes. Ang kulit din talaga nitong si Valerie. Nakakamiss din siyang maging katrabaho. Mas pinili kasi ni Valerie na magtayo na lang ng sariling business sa Montreal.

Pagbaba ko ng telepono ay saktong pagkatok naman ni Sir Dexter kaya agad akong napaayos sa pagkakaupo at nagbuklat ng folder na nasa harap, I'm not usually like this, talagang masakit lang ang ulo ko ngayon.

"Come in po."

Malaki ang pagkakangiti ni Sir Dexter.

"Guess what?" aniya. "I approved your one week leave but, one week lang ah? Balik ka agad. I need a hardworking staff like you."

Nangiti naman ako sa sinabi ni Sir. "Thank you so much, Sir Dex."

"Enjoy your vacation," aniya bago umalis.

Pagdating sa apartment ay inayos ko na agad ang mga damit na dadalhin ko sa Montreal, konti lang naman ang mga dadalhin ko dahil hindi ko naman hinakot lahat ng damit ko papunta dito sa Monte Vista.

After three weeks ay ngayon na lang ulit ako uuwi ng Montreal. Nasasayangan kasi ako sa pamasahe kung every week ako uuwi, hindi rin naman kasi biro ang pamasahe. At isa pa ay nitong mga nagdaang weekend ay mas pinili ko na lang na magtrabaho.

"Buti naman at naisipan mo rin umuwi, no?" natatawang sabi ni Andrea.

May business rin siya rito sa Monte Vista at ngayon ay sabay na kaming uuwi sa Montreal.

"Wow? Noong ikaw ang madalang umuwi sa Montreal ay hindi naman kita sinabihan ng ganyan."

Humagalpak naman siya sa tawa. "Joke lang, Ate! For sure, miss ka ni Brixel."

Parang sinasaksak ang puso.

"Pero malamang siya ang nagpupunta dito!" kinikilig pa na sabi niya.

Lalo namang sumakit ang puso ko.

And yes! Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam na wala na kami ni Brixel. Walang sinasabi si Brixel sa kanila at maging ako, he still respect me. Ang gusto niya ay ako ang magsabi ng nangyari sa amin dahil panigurado mauungkat ang sikreto na tinatago ko sa oras na magtanong sila sa kung anong nangyari sa amin.

It's not that I don't trust them pero ayaw ko lang na isipin pa nila kami dahil may kanya-kanya na silang problema at siyempre nahihiya ako dahil sa nakaraan ko, pakiramdam ko ay sa oras na mas madaming makaalam ay tuluyan ko nang hindi malilimutan ang bangungot na 'yon.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon