Hindi matigil ang pagtulo ng mga luha ko. Maya-maya ay alas siete na pero nandito pa rin ako sa opisina. Panay ang tawag sa akin ni Brixel pero mas minabuti ko na patayin na lang muna ang cellphone ko.
Masakit pala, no? Hindi talaga mahalaga ang tingin sa'yo ng ibang tao pero kapag taong mahal mo na 'yong nagduda sa'yo ay ang sakit pala, I mean para kang nauubos sa sakit.
Paglabas ko sa opisina ay nadatnan ko ang mga trabahador na naghahakot ng mga furniture. Nakalimutan ko na tuwing gabi nga pala nagpupunta ang mga maghahakot ng furnitures. Halatang nagulat sila nang makita ako.
"Ms. Kim!"
Paglingon ko ay tumambad sa akin si Architect Santos. Kumunot pa ang noo niya habang papalapit sa akin.
"Umiyak ka ba?" worried na tanong niya.
Umiling lang ako tsaka nilampasan na siya.
"Ms. Kim! Ihahatid na kita."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nagderederecho na lang palabas.
"Ms. Kim!"
Naabutan niya ako at hinila ang braso ko.
"Wala ka nang masasakyan," aniya.
"Kaya ko na, Architect. Kaya ko ang sarili ko."
"Bakit ka umiyak?"
Mariin akong napapikit. "Architect, please! Ayokong maging rude sa'yo. I just want to go home, please lang."
Halatang nabigla siya sa naging trato ko sa kanya.
"I just want to bring you home, nagmamagandang loob lang ako."
"I know, Architect. I know. Pero hindi ba pwedeng tanggihan ang offer mo? I can go home alone." Tinalikuran ko na siya at paalis na ko.
"Nag- away ba kayo ni Brixel?"
Napahinto ako sa paglalakad.
"It's none of your business."
Hindi ko gustong maging bastos kaya lang ay maganda na siguro na layuan na ako ni Architect. Ayoko nang madagdagan pa ang mga issue tungkol sa aming dalawa.
Wala akong choice kung hindi maglakad papuntang Montreal Mall dahil doon pa ako makakasakay ng tricycle.
"Ate! Nag-aalala sa'yo si Kuya!" Agad na napatayo sa sofa si Briana nang makita ako.
"Talaga ba? Nag-aalala siya?" Hindi ko na nakontrol ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
Kumunot ang noo ni Briana. "Nag-away ba kayo?"
I took a sigh.
"Bakit? Anong nangyari?" Nataranta naman siya.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa.
"Pinagdududahan ako ng kuya mo." I took a sigh again. "Iniisip niyang may namamagitan sa amin ni Architect Santos."
"Ano ba yan si Kuya!" panggagalaiti ni Briana.
"Bakit daw?"
Napalingon ako kay Kyril na kabababa lang sa hagdan.
"Bakit ka pinagdududahan?" dagdag niya.
"Nagpapansin ba sa'yo si Architect?" tanong ni Briana. "Babaero 'yon, e!"
"Hindi naman. Sa tingin ko ay mabait lang siya sa akin kasi siyempre fiancée ako ni Brixel, ng boss niya."
Briana rolled her eyes. "May hidden agenda 'yon! Sure ako!" siguradong sabi niya.
"Paano ka pinagdudahan ni Brixel?" Umupo na sa tabi ko si Kyril.
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomanceKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...