Chapter 16

146 6 3
                                        

Hindi ako mapakali, ni hindi na rin ako nakakain kakaisip kay Brixel. Galit na galit siya at ngayon ko lang siya nakitang galit, ngayon lang siya nagalit sa akin.

"Sige na kainin mo na 'to."

Kanina pa inaabot sa akin ni Valerie ang sandwich na tinake out niya para sana sa merienda niya mamaya. Naikwento ko ang nangyari kanina sa amin ni Brixel.

"Nakakaloka naman kasi ang boyfriend mo, taga-St Celestine pero malayang nakakapasok dito sa campus."

Alam kong sinasabi niya lang 'yan dahil ayaw niya akong sisihin pero kasalanan ko naman, diba? Kahit na pagtulong lang naman talaga ang intensyon ko ay binigyan ko pa rin ng dahilan si Brixel para magalit.

"This is our first fight," nafufrustrate na sabi ko.

"Okay lang 'yan! Maaayos niyo rin 'yan."

"E, hindi naman iyon 'yong kaso. Nasaktan ko si Brixel."

Hinawakan ni Valerie ang balikat ko.

"Friend, normal lang naman talaga sa isang relasyon 'yong nag-aaway, 'yong nagkakasakitan."

I took a sigh. "Pero sa amin ni Brixel hindi normal 'yon, this is our first fight kaya hindi mo talaga maaalis sa akin na maaligaga."

Kanina ko pa tinetext si Brixel pero hindi talaga siya nagrereply sa akin. I also tried to call him but he didn't answer my calls. Hindi na rin ako tuluyang nakakain ng lunch.

"Hayaan mo na muna. Minsan kailangan din talaga ng space and time," sabi ni Valerie.

Ngumuso naman ako.

"Stop worrying too much about it, friend! Hindi magtatagal ang galit ni Brixel. Baliw na baliw kaya 'yon sa'yo, no!"

Sobrang bigat ng loob ko dahil sa pag-aaway namin ni Brixel, ni hindi ko magawang makapagfocus sa mga klase ko.

Uwian na at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Brixel. Nag-aalala na rin ako sa kanya.

Tinapik ni Valerie ang balikat ko.

"Ganyan talaga kapag first time sa isang relasyon." Ngumisi pa siya.

It's not my first time.

Kakalabas lang namin ng St. Scholastica nang may humarang sa dinadaanan ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa laki ng bouquet ng mapupulang oras na hawak niya pero lumundag agad ang puso ko.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang boquet na hawak niya.

"I'm sorry."

Hindi magkamayaw ang puso ko. Dito pa talaga siya humingi ng sorry? Sa tapat ng madaming estudyante? God, Brixel!

Tumili pa si Valerie dahil sa kilig.

"Sorry for being so immature and sensitive. Hindi ko sinasadya na mapagtaasan ka ng boses kanina." Nagsusumamo ang mga mata niya.

Naririnig ko na rin ang ugong ng ingay ng mga estudayante na nasa paligid namin.

"I'm sorry din."

Umiling naman siya. "It's not your fault. Hindi mo naman kasalanan na maganda ka and attractive."

"Grabe!" Kilig na kilig si Valerie.

Kinuha ko ang bouquet na hawak ni Brixel.

"Okay. Apology accepted," sabi ko kahit na ako naman talaga ang may kasalanan.

He smiled at me. Kinuha niya rin muna ang bouquet at gamit ang isang kamay ay hinila niya ako at niyakap.

"I love you so much. I'm just scared of losing you," he whispered.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon