Chapter 34

222 7 1
                                        

"Brixel!" Nakahinga ako nang maluwag nang dumating sila Sage at hinila palayo si Brixel na kanina ay nasa ibabaw ni Stanley.

Duguan ang mukha ni Stanley, hindi siya lumaban at hinayaan lang niya si Brixel na paulanan siya ng mga suntok.

Stanley's evil smile flashed in his lips. "You cannot runaway forever, Kianna," aniya bago umalis.

"Kuya, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Briana sa kapatid.

Umiling lang si Brixel. "Sorry for ruining our night." Aniya.

"Brixel." Hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko. "May sugat ang kamay mo, pwede kong gamutin."

He shook his head immediately. "I'm fine, Kim."

Nilagpasan niya ako pero hindi pa man nakakalayo ay nilingon niya muli ako.

"Sorry for what you saw earlier," aniya bago pumasok sa loob ng van.

Nangilid naman ang mga luha ko.

"Okay ka lang ba, Ate?" tanong ni Kyril.

Tumango naman ako. "Yes. Okay lang ako."

"Ngayon ko lang nakitang ganoon si Brixel." Hanggang ngayon ay shocked pa rin si Andrea.

"Hindi natin siya masisisi, mabait pa si Brixel. Kung kay Sage 'yon, hindi na natin naabutang buhay si Stanley," sabi pa ni Shin.

Hindi ko alam kung alam na ng boys ang totoong dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Brixel. Pinaubaya ko na sa kanya ang pagsasabi sa mga boys.

Nang nasa loob na kami ng van ay walang umiimik sa amin. Nakakapanibago na ang tahimik namin.

Nasa likod ko si Brixel at gustong-gusto ko siyang lingunin.

Okay lang kaya siya?

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para unti-unting lumingon sa likod na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil sinalubong ako ng magagandang mga mata ni Brixel.

Agad ko namang inalis ang tingin ko sa kanya. Nakakahiya ka, Kianna!

Pagdating sa Mansion nila Sage ay nagkumpulan kami sa sala samantalang si Brixel ay dumerecho sa taas.

"Bakit hindi ka mapakali?" tanong ni Jade.

"Gusto kong gamutin ang sugat niya," sagot ko.

"Edi go!" pagsingit naman ni Briana. "Puntahan mo na. Hindi pa naman 'yon marunong gumamot ng sugat, hahayaan niya lang 'yon."

Sa sinabi ni Briana ay agad akong napatayo at nagmadaling umakyat sa taas kung nasaan si Brixel.

Dalawang beses na akong kumatok pero walang sumasagot kaya pumasok na ako sa loob tutal ay bukas naman ang pinto pero agad ko iyong pinagsisihan nang makitang kakalabas lang ng banyo ni Brixel, he's only wearing a boxer shorts and the water is dripping from his hair down to his perfect abs.

He cleared his throat.

Halos mamura ko sa isip ang sarili ko.

"I just want to check on you, gusto ko sanang gamutin ang sugat mo."

Tinignan niya ang kamao niya tsaka muli ibinalik sa akin ang mga mata niya.

"I said I'm fine. You don't have to worry about me and please stop worrying about me. Noon pa man ay hindi ko na gustong nag-aalala ka sa'kin, Kianna."

"Hello? Earth to Kianna?"

Natigil ako sa pagmumuni-mumi nang mahina akong yugyugin ni Chester.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon