Chapter 17

130 6 2
                                        

Sobrang excited ko dahil ngayon kami aalis ni Brixel para magbakasyon. Kahit paano ay nag-ipon ako para sa trip namin na 'to kahit na paniguradong hindi naman niya ako hahayaan na maglabas ng pera.

Wala pa rin ako ideya kung saan kami pupunta. Hindi ako pinayagan ng boss ko sa Swiftea na magleave ng isang linggo pero nang kausapin ni Brixel ay agad naman itong pumayag. Ang nagagawa nga naman ng pera.

"Ingat kayo sa bakasyon niyo, ah." Kakapasok lang ni Kyril dito sa kwarto ko.

I smiled at her. "Excited na ako."

"Kailangan mo na rin naman talaga magbakasyon galore para naman magkapagpahinga ka na rin." Umupo siya sa tabi ko.

"Magiging okay lang naman kayo habang wala ako, diba?"

Mahina namang tumawa si Kyril. "Oo naman! Don't mind us, matatanda na kami!"

Nagtawanan naman kami.

Nakaready na ako at hinihintay ko na lang si Brixel. Wala na ring mapaglagyan ang excitement ko. Iniisip ko palang na isang linggo kong makakasama si Brixel ay sobrang saya ko na.

Nagvibrate ang phone ko dahil sa text ni Brixel at lumawak ang ngiti ko.

From: Brixel
Kim, sorry but I need to go to Manila now. It's urgent 'cause something happened in our company. I'm so sorry. Babawi ako. I love you.

Ibinaba ko ang bag ko bago magtipa ng reply ko kay Brixel.

To: Brixel
It's okay. Drive safely, okay? I love you too.

Pagtapos kong magreply ay nagpalit na muna ako ng pambahay na damit.

"O, 'di kayo tuloy?" Pare-parehong gulat sina Andrea nang bumaba ako.

I shook my head. "Pupunta si Brixel sa Maynila."

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Briana.

Ngumiti naman ako sa kanila. "Oo naman! Bakit naman hindi?"

"Kasi siyempre nadisappoint ka," sabi naman ni Kyril.

"Ha? Hindi, ah! I'm totally fine. Wag kayo mag-alala. Naiintindihan ko si Brixel."

"Hay! Kung lalaki ako, ikaw din talaga ang pipiliin ko. The best ka, Ate!" pambobola pa ni Kyril.

"Sobrang swerte sa'yo ni Kuya!" sabi naman ni Briana.

Sumalampak ako sa sofa dala-dala ang indian mango na binalatan ko.

"Kahit konting lungkot ba talaga wala kang nararamdaman?"

Natawa naman ako sa tanong ni Andrea. "Wala nga. Namiss ko lang si Brixel."

"Nakakabadtrip kaya 'yong sobrang excited ka na tapos biglang hindi naman pala tuloy."

"Ano ka ba! E, valid reason naman 'yong dahilan ni Brixel tsaka mas mahalaga 'yong negosyo nila, no!"

Hinawakan ni Andrea yung kamay ko. "Bigyan mo rin ako ng ganyang pang-unawa."

Nagtawanan naman kami. Baliw din talaga ang isang 'to!

At dahil wala akong magawa ay nagsearch ako ng pwedeng lutuin.

"Ate, wag mo masyadong sarapan, ah? Masisira nanaman diet ko," sabi pa ni Kyril.

Natawa naman ako. E, kahit 'di na siya magdiet ang sexy pa rin niya.

Matapos kong magluto ng carbonara at cordon bleu ay tinawag ko na sila Andrea.

"Grabe naman 'yan! Mukhang sobrang sarap!" Excited pa si Briana na magsandok ng pagkain.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon