Ilang buntong-hininga pa ang pinakawalan ko bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Brixel is waiting for me 'cause we're going to Manila. This time, it's not for vacation but I'm applying for a job.
"Hindi mo naman kailangan dumayo pa sa Manila, Kim. Pwede kitang basta iassign na rito then you can start tomorrow."
I rolled my eyes. "Paulit-ulit naman tayo, Brixel."
May maliit na opisina ang company nila Brixel dito na kung saan ay mga furnitures maker lang ang siyang nagtatrabaho doon at may iilan lang na operations staff .
Kailangan kong magpunta ng Manila dahil nandoon ang HR department na kung saan kailangan talagang mag-apply kapag office staff ang aaplyan mo hindi kagaya kapag furnitures maker ang applyan mo, basta mairefer ka raw ng team leader niyo ay ayos na. And just like what I want, gusto kong mag-apply ng walang tulong ni Brixel.
"Seryoso ka ba jan, Ate? Babyahe ka pa para mag-apply? Wag na!"
Inilingan ko si Briana. "No one can change my mind. Not you, Bri, and not you, Brixel."
"Bahala ka," ani Briana.
"You really sure about this?" tanong ni Brixel nang nasa sasakyan na kami.
I nodded. "Yup. At kung sakali man na hindi ako matanggap sa company niyo ay maghahanap ako sa ibang company sa Manila-"
"Matatanggap ka."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Brixel! Don't do anything!"
"I won't." He took a sigh. "Even if I want to, I respect what you want, Kim. Matatanggap ka 'cause I believe in you."
I smiled at him.
Namangha naman ako sa bahay nila Brixel dito sa Maynila. Malaki ang bahay ni Vera pero halos doble itong kina Brix.
"Akala ko ay malaki na ang bahay na pinagawa niyo sa Montreal."
He smiled. Lumapit siya sa akin at yumakap.
"This will become our house once we're married."
Kumunot ang noo ko. "Dito tayo titira?"
"This is my house."
"Sa'yo lang?"
Proud naman siyang tumango. "Fruit of hard work."
"I'm so proud of you!" Lumaki ang ngiti ko.
"We will live here if you want to pero kung sakaling gusto mo sa Montreal or Montecarlos, edi doon tayo. I'll go wherever you want. Pwede naman tayong magpagawa ng bahay kung saan mo gusto."
I nodded. "We will live here," walang pag-aalinlangan na sabi ko.
Mas convinient para kay Brixel kung dito kami titira dahil nandito ang kompanya nila and besides plano ko naman talagang tumira dito sa Maynila, mas maraming opportunities, mas malaki ang chance na maabot ko ang mga gusto kong maabot.
Nag-offer si Brixel ng ibang room para sa akin but I decided to sleep in his room.
"Sure ka ba? Tayong dalawa lang ang nandito."
Napailing ako. "Tumigil ka nga. Wala ka namang gagawin, kilala kita."
"Lalaki rin ako, Kianna."

BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomanceKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...