"Kim?" Bakas din ang gulat sa mukha ni Brixel nang makita niya ako. "You're the buyer?"
I nodded. "Yup. Sa'yo pala iyong kotse."
"Magkakilala kayo? What a small world!" ani Ivan.
'Di lang basta magkakilala and what a small world talaga!
"So ito na nga, Ms. Kim, 'yong deed of sale." Inabot sa akin ni Ivan ang isang envelope.
"Do you still want to buy it?" tanong ni Brixel.
I tried my best to atleast give him a genuine smile kahit alam kong imposible kong maibigay iyon.
"Oo naman, bakit hindi?" Pakiramdam ko nga ay mas lalong nagustuhan kong bilhin. Sayang ang mga memories, bakit kaya binebenta 'to ni Brixel?
He nodded. "Okay. I just came here to meet the buyer and I know you will take care of Ratel."
Parang kinurot ang puso ko.
Ratel
I miss calling him Ratel. So Ratel pala ang pangalan ng kotse niya. Bakit hindi ko 'yon alam?
Pinilit ko ulit na ngumiti. "I will, Brix."
He smiled at me. "I know you will."
Damn! Bakit parang kinilig naman ako bigla?
Hindi na rin nagtagal si Brixel. Hinintay niya lang akong pumirma sa deed of sale tapos ay umalis na rin siya.
"Sige na, idrive mo na 'yong dream car mo."
Naningkit ang mga mata ko kay Chester. "Tumigil ka nga, wag mo akong asarin." Lumabi pa ako.
"Hindi lang talaga ako makapaniwala. Paano nangyari 'yon?"
"Mukhang bang alam ko? Kahit naman ako ay gulat na gulat din. Of all people, diba?"
Tanging nakakalokong ngisi na lang ang isinagot ni Chester sa akin.
The moment I drive his Everest I couldn't stop my tears from falling, thousands of memories hit me.
Naalala ko 'yong mga panahon na hinahatid niya ako sa school tapos ay susunduin para ihatid sa Swiftea at matapos ang duty ko sa Swiftea ay ihahatid naman niya ako sa bahay. Tila naging driver ko siya noon but he didn't mind. I remember our roadtrips, how he held my hand while the other was in the steering wheel. I remember everything all too well.
"Tangina! Totoo ba?"
Halos lumuwa ang mga mata ni Kyril sa gulat.
"Totoo nga! Ayan, o!" I switched the camera to back camera ng phone ko para makita nila ang kotse ni Brixel na nabili ko.
Nagtitili naman si Briana. "Nakakakilig! Grabe naman maglaro 'yong tadhana! Alam na, girl!"
"Baliw ka! It's just a coincidence."
"Baka destiny!" pang-aasar din ni Vera. I just rolled my eyes.
Hay naku! Bahala kayo!
Pero teka? Ba't parang kinikilig ka Kianna?
Agad ko naman na ipinilig ang ulo ko dahil sa kung anu-ano nanamang naiisip ko.
Mabilis na nagdaan ang mga araw at natuwa naman ako sa binalita ni Briana na Dito na raw siya muna titira sa Maynila para tulungan si Brixel sa pamamalakad ng company nila, mukhang sariling choice ni Briana 'yon dahil panigurado ay hindi naman siya pipilitin ni Brixel na tumulong kahit na nahihirapan na siya. He always wants her sister's happiness and I really admire him for being a good brother, for being a good man.
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomanceKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...