Chapter 37

234 10 4
                                        

Habang nasa sasakyan kami ni Brixel papuntang airport ay binalot kami ng katahimikan. Mas okay na rin 'to nang kahit papano ay kumalma naman ang puso ko.

"Kumain ka na ba?" he asked. "Pwede tayong magdrive thru," dagdag niya pa.

I shook my head. "Kumain na ako. Ikaw ba?"

"Tapos na rin."

I just nodded.

Mabuti na lang ay hindi kami masyadong natraffic papunta sa airport.

"Ako na bahala sa gamit mo."

Gusto ko mang tumanggi ay alam kong hindi ko matatalo si Brixel. Kilala ko siya, kilalang kilala.

"Ate Kim!"

Pinagtinginan kami ng mga tao dito sa airport dahil sa pagsigaw ni Kyril. Natawa na lang ako tsaka agad na lumapit sa kanila.

Ngumisi si Kyril na tila may ipinapahiwatig tsaka pasimpleng napunta kay Brixel at pabalik sa akin ang mga tingin niya. At nang sumulyap ako kina Andrea at Vera ay parehong tila nanghuhusga rin ang mga mata nila.

I rolled my eyes. "It's not what you're thinking," mahinang sabi ko sa kanila.

Sakay ng isang private jet plane ay narating namin itong Amanpulo. Walang kamalay-malay si Briana na nasa kabilang Villa lang kami.

Gusto ko sanang lumabas ng Villa kaya lang ay nasa seashore pala sina Dark at Briana. Hindi ko napansin na nandito pala sa veranda si Brixel, may hawak siyang baso na naglalaman ng alak habang nakatanaw sa nakakababatang kapatid.

"Time flies so fast," ani Brixel.

Sigurado akong kinakausap niya ang sarili niya dahil hindi ako tuluyang lumabas sa veranda at nagtago ako rito sa gilid ng pinto para pagmasdan siya.

Nilagok niya ang laman ng baso. "Wish I can be happy like my sister. Wish I can also chase my happiness, my happiness for a lifetime."

Parang sinaksak ng punyal ang puso ko sa sinabi ni Brixel. Hindi naman ako ganoon kaemosyonal na tao pero heto ang mga luha ko ngayon at tuloy-tuloy sa pagpatak.

Kahit gaano pa kasakit ang naibigay sa akin ni Brixel ay ang kasiyahan niya pa rin ang lagi kong hinihiling.

Maybe he gave me up but still, he deserves so much happiness in this world.

Brixel is so rare, you cannot find a better man than him 'cause he's the best.

At alam niyo kung ano 'yong pinakamasakit? I cannot have him again. That's hurts like hell.

Sobrang aga namin nagising lahat para ayusin ang magiging setup sa yatch kung saan gaganapin ang party ni Briana.

"Happy Birthday!" sabay-sabay na sigaw namin nang makaakyat sina Dark at Briana dito sa yatch. Kitang-kita ang pagkabigla at saya sa mga mata ni Briana.

Sobrang saya ko para sa kanya at sana ay alagaan nang mabuti ni Dark ang puso niya.

Pinilit ko pang itago ang pagiging emosyonal ko sa pagbabati ni Briana at Brixel. Itong magkapatid na 'to, kung kelan mga nagsi-tanda ay tsaka nag-away nang nag-away.

Hindi ko alam kung nakakailang baso na ako nang Hennessy. Maya't-maya kasi ang paglalagay ni Briana ng alak sa baso ko.

"Wait lang!" awat ko kay Bri nang magtangka nanaman siyang maglagay. "Naiihi muna ako." Humagikhik pa ako tsaka nagtungo sa restroom.

Pabalik na ako sa kung nasaan ang mga kaibigan ko nang marinig ko ang boses ni Brixel sa open room malapit dito sa restroom.

"Mag-usap tayo pagbalik ko. Let's fix it." Nagsusumamo ang boses ni Brixel. "Mag-usap muna tayo. Please,Yua."

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon