Chapter 5

143 5 4
                                        

Kahit nahihiya ay tinanggap ko na lang ang spare phone na inalok ni Brixel, mukhang hindi rin siya papayag kung tatanggihan ko at isa pa lalo lang akong aasarin nila Kyril kung mag-iinarte pa ako.

Nagbabasa ako nang tumunog ang phone na pinahiram sa akin ni Brixel.

From: Brixel
Hey! Nandito na ako sa school, anong ginagawa mo?

Napangiti naman ako at agad nagtipa ng reply sa kanya.

To: Brixel
Nagbabasa. Ikaw?

Nakagat ko pa ang labi ko nang mabasa ang reply niya.

From: Brixel
Iniisip ka.

Damn! That man!

Gusto niya na talaga atang mamatay ako sa kilig.

Natigil ang pagtetext namin nang dumating na ang professor ko. First time kong gagawin na pasimpleng magphone sa klase, hindi ko kasi nareplyan ang tanong ni Brixel kung anong oras ang vacant time ko ngayon.

To Brixel
11am, why?

Kinabahan naman ako nang sumulyap ang professor ko sa gawi ko kaya dali-dali kong itinago ang phone ko.

Shit! I'm not good at it.

Nang magvacant time ay agad kong nilabas ang phone na pinahiram sa akin ni Brixel. Kanina pa ako nangangati na magtext sa kanya lalo na at ramdam na ramdam ko ang pagvibrate nitong phone mula sa bulsa ko.

May tatlong message si Brixel.

From: Brixel
I'm outside your school. Sabay na tayo maglunch?

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay aatakihin ako. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay Valerie at agad na tinakbo ang palabas ng St. Scholastic.

Nakapark sa harap ng gate ang Everest ni Brixel habang siya ay nakasandal sa gilid.

Sobrang gwapo niya!

Inalis niya ang shades niya at ngumiti sa akin.

"Ilang oras ang vacant mo?" he asked.

"2 hours."

Lumaki ang ngiti niya. "Great!" aniya at pinagbuksan ako ng pinto ng front seat.

"Bakit pinuntahan mo pa ko dito?"

He smiled. "Sawa na ako sa pagkain sa cafeteria namin, ang lungkot naman kung kakain akong mag-isa sa mall."

Okay lang din naman kung sasabihin mo na gusto mo lang talaga akong makasabay.

Kelan ka pa naging assumera, Kianna Michaela?

Sa isang fast food ko na lang niyaya si Brixel, 'yong gusto niya kasi ay masyadong mahal at hindi kaya ng budget ko.

"Sure ka na dito na lang?"

Tumango naman ako. "Oo, sure na sure!"

"Okay. What do you want?"

"One piece chicken with soda na lang."

Tumango naman si Brixel.

Inabot ko ang bayad ko pero umiling siya.

"I'm the man here, so ako dapat ang magbayad."

Nahiya naman ako. "Nakakahiya, Brixel. Wag na. Kahit naman babae ako ay may pangbayad naman ako. Hindi rin naman ako pinalaking ganoon, equal dapat ang babae at lalaki."

"Sorry, Kim, pero pinalaki akong ganoon, I'll pay for our food whether you like it or not." Kumindat pa sa akin si Brixel.

Sinamaan ko pa siya nang tingin pero hindi talaga siya nagpaawat.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon