Chapter 2

258 9 3
                                        

Ngayon lilipat si Briana dito, may kailangan dapat akong bilhin sa Montreal mall pero pinagpaliban ko na muna dahil malamang ay pupunta rin si Brixel dito.

Nakaharap ako sa salamin, I'm wearing a plain blue v-neck shirt and a denim shorts. Simpleng lang din ako manamit dahil sa iilan lang ang mga damit na meron ako, halos karamihan nga sa mga damit ko ay matagal na sa akin habang 'yong iba ay bigay pa sa akin ni Shantal, pinsan kong kahit papano ay nakakaangat sa buhay.

Muli kong sinuklay ang mahaba kong buhok tsaka bumaba na.

"Ate, ginamit mo na 'yong binigay ko na cheek tint sa'yo?" Tuwang-tuwa si Kyril.

Hindi rin kasi ako mahilig sa mga make up, napipilitan lang akong maglipstick dahil kailangan sa trabaho pero ngayon ay naisipan kong gamitin ang binigay na cheek tint ni Kyril.

Nahihiya naman akong tumango.

"Vera! Halika dali!" sigaw pa ni Kyril.

"Bakit?" tanong ni Vera.

Ngumiti si Kyril. "Lalong gumanda si Ate Kim, o!"

Maging si Vera ay nagulat nang makitang may cheek tint ako.

"Wow! Himala! Nag-ayos ka?"

Nag-init naman ang pisngi ko, baka mamaya ay mahalata nila na si Brixel ang dahilan kung bakit ako nagpaganda.

Natigil sila sa pang-uusisa sa akin nang may nagdoorbell. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Sila Brixel na ata 'yan!

Si Kyril ang tumakbo sa labas para tignan kung sinong naroon. Tama nga ang hinala ko na sila Brixel ang dumating.

Lumundag pa ang puso ko nang makita ko si Brixel, he's wearing a rust plain shirt, jeans and a pair of top sider shoes. Nakabrush up ang buhok niya tulad ng laging ayos nito at may nakasabit na dog tag necklace sa leeg niya.

Nagtama ang mga mata namin and he smiled at me. Lumundag ang puso ko dahil sa kilig pero siyempre hindi ko 'yon ipapahalata.

Brixel is very manly and cute at the same time, ang cute niya dahil sa dimple sa kanang pisngi niya.

Ang perpekto! Posible pala ang katulad niya.

Tinulungan niya si Briana na mag-ayos sa kwarto nito habang ako ay nagluluto ng para sa lunch namin.

"Ikaw pala ang chef dito?"

Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Brixel.

Bakit ba kasi bigla-bigla na lang siyang sumusulpot?

Nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko nanaman ang cute na dimple niya dahil sa pagkakangiti niya. Sa unang kita mo kay Brixel ay aakalain mo na suplado siya pero siya pala 'yong tipo ng taong laging nakangiti.

Ngumiti rin ako at pilit akong umasta na normal lang ang lahat para sa akin kahit na ang totoo ay laging nagwawala ang puso ko kapag nanjan si Brixel.

"Hindi naman. Depende lang kung sinong naiiwan dito sa bahay o 'di kaya ay kung sinong nauunang magising."

Tumango-tango naman siya. "Si Briana, hindi siya marunong magluto."

"It's okay, ako na ang bahala kay Briana."

Lalong lumaki ang ngiti niya. "Really?"

Tumango naman ako.

Oo naman! Kapatid mo siya, e.

"Thanks, Kim."

I smiled at him. "Your welcome."

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon