"Girls! Ready na ba kayo? Excited na ako!" Alas singko palang nang umaga ay nambulabog na si Briana. Magkakasama kaming apat nila Andrea, Bri at Jade sa kwarto ko. Siyempre ang mga single, pero mamaya lang ay hindi na single si Andriella at sobrang excited na ako.
"Ba't ang dami mo naman atang dala?" tanong ni Vera nang makababa na ako sa sala.
"Oo nga, te? May maleta na may traveling bag pa? Doon ka na titira?" kunot noo namang tanong ni Kyril.
I nodded. "Hindi. Dederecho na kasi ako sa Maynila."
"Sa Maynila ka na titira?" Namilog ang mga mata ni Andrea.
Hindi ko agad nasagot si Andrea dahil biglang pumasok si Brixel. Hindi kami nagkatinginan dahil hindi naman siya tumingin sa akin pero ako ilang segundo pang tumitig sa kanya.
"Nalipat ako sa main office sa Maynila so yeah, doon na muna ako titira."
"Tara na, girls! Baka mahuli tayo sa flight natin," ani Shin. Pare-pareho naman kaming sumang-ayon.
"Tulungan na kita, Ate, " pagpipresinta ni Briana pero agad akong umiling.
"Kaya ko na 'to. Madami ka rin bibtbit."
"May problema ba?" Lumapit sa amin si Brixel and I can't help myself but to stare at him.
Mahal na mahal ko pa rin ang lalaking 'to.
"Wala naman," sabi ko.
"Tutulungan ko sana si Ate na magbitbit ng gamit niya, nabibigatan siya kaya lang ay ang dami ko rin bitbit."
Pasimple kong pinandilatan si Briana dahil alam ko ang tumatakbo sa utak niya kaya niya sinabi iyon kay Brixel.
"Let me help you, Kim."
Bago pa ko makatanggi kay Brixel ay kinuha na niya ang traveling bag at maleta ko tsaka kami iniwan ni Briana.
Humagikhik naman si Briana. "Let me help you raw kaya siya na nagdala ng lahat."
Inirapan ko naman siya. "Kung iniisip mong may chance pa para sa amin ni Brixel, wag ka na umasa!"
"Ito naman, panira!" Ngumuso pa siya bago nagmartsa palabas.
Sa isang malaking van kaming lahat sumakay papunta sa Airport.
"Pwede naman nating idaan muna ang mga gamit mo, Kim, sa bahay mo sa Maynila para hindi gaanong madami ang dala mo," suhestiyon ni Alezander.
"Saan ka ba titira sa Maynila?" tanong naman ni Sage.
"Ah, wala pa. Maghahanap palang ako. Biglaan din kasi 'yong pagkakalipat ko." Hindi pa kasi kami tapos magnegotiate ng kausap ko na lessor ng isang condo malapit sa pagtatrabahuhan ko.
"Wala pa? You can stay in my house temporarily, don't worry wala naman ako doon," sabi ni Brixel na siyang nagpabilis sa tibok ng puso ko.
"Ah, hindi na. Okay lang." Pinilit ko na hindi mautal.
Gusto kong sisihin si Alezander sa pagbubukas ng topic na 'to pero hindi naman niya intensyon na umabot sa ganito ang usapan.
"Diba malayo ang bahay mo sa Aiport, Brix? Sa Quezon City ang bahay mo, diba? Doon ka na lang sa condo na inooffer sa'yo noong manliligaw mo, te. Malapit 'yon sa work mo," sabi naman ni Andrea.
Kumunot ang noo ko sa kanya pero tinignan niya ako na parang nagsasabi na sumakay na lang ako.
Ayaw niya rin talagang tumigil. Ano naman kayang mapapala niya sa ginagawa niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/183523145-288-k784111.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomanceKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...