Chapter 24

133 5 1
                                    

Nag-angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng opisina ko.

"Ms. Kim, lunch na po." si Lara.

Ibinalik niya rin ang red lipstick ko.

"Sige. Dito na lang ako kakain, madami-dami din kasi akong trabaho."

Ang totoo ay ayoko na talagang sumama kina Lara. Hindi naman ako galit sa kanila dahil sa opinion nila sa akin, it's their opinion. Ayoko lang na makisalamuha sa mga taong kapag nakatalikod ako ay ako ang pag-uusapan nila. Kaya siguro nagkaroon lang ako ng mga kaibigan nang lumipat ako dito sa Montreal 'cause I always distance myself from people who pretends to be real.

Agad kong kinuha ang phone ko nang tumunog ito.

"Hey!"

Sa simpleng pagtawag lang ni Brixel ay unti-unti nang gumagaan ang loob ko.

"Hey! I miss you. Hindi ako nakatawag kahapon sobrang naging busy ako dahil sa biglaang Elite Party at nung nasa party naman ay kailangan kong manligaw ng mga investors."

You can really heard in his voice that he feels so bad not calling me yesterday.

Napangiti naman ako. "You don't have to explain, alam kong busy ka."

"I really thank God for giving me a very understanding woman. How are you? Miss na miss na kita."

"Okay naman ako, Brix. Maya-maya ay maglalunch na rin. How's the party? May mga nakuha ka bang investors? I saw your pics, ang gwapo mo talaga!"

He chuckled. "Yup. Iyong iba ay imemeet ko ngayon. The party was worth it."

"I'm happy to hear that."

Hindi na rin nagtagal ang usapan namin ni Brixel dahil gabing-gabi na sa New York at kailangan na niyang matulog. Pagpatay ko ng tawag ay may tila bumabagabag sa akin kahit hindi naman dapat!

Tumigil ka nga, Kianna! Ikaw lang bumabaliw sa sarili mo!

He never mentioned Yua. Kung date niya ba 'yon or what.

Naiinis ako sa sarili ko kasi alam kong hindi naman dapat ako nagkakaganito. Imposibleng date ni Brixel si Yua at kung date man niya ay nasisiguro kong it's pure business.

Ginawa ko ang lahat para mawala ang mga iniisip ko tungkol kina Yua at Brixel. I'm being unfair to Brixel, mali na sumasagi sa utak ko ang mga ganitong isipin.

Matapos kong kumain kahit na hindi pa tapos ang lunch break ko ay nagtrabaho na ulit ako.

"Come in."

Pumasok si Ms. Hilda na may dala-dalang paper bag.

"Hi, Ms. Kim! I have here some cupcakes for you."

I gave her a half smile. "Thank you, Ms. Hilda. Hindi ka na dapat nag-abala pa."

"Hindi ka naman abala, Ms. Kim."

I gave him another half smile.

"Kumusta naman 'yong trabaho? Are you struggling with it?"

"Hindi naman po. Medyo nangangapa lang kasi alam mo na, bago pa lang."

Tumango naman siya. "Ang bilis mo nga po natuto, e. Sige, Ms. Kim, baka naiistorbo na kita."

Nang makalabas si Ms. Hilda ay bumuntong-hininga ako.

Ano kayang trato nila sa akin kung hindi sinabi ni Brixel na fiancée niya ako? Ang harsh siguro. O baka naman hindi? Hindi kasi nila iisipin na ambisyosa ako.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon