Chapter 25

213 6 2
                                        

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kyril pagbaba ko.

I nodded immediately. "Oo naman."

"Grabe! Kung ako ikaw baka nabaliw na ako!" namamangha pa na sabi ni Andrea.

"Pagtitiwala ang kailangan ni Brixel ngayon hindi pagdududa. May problema siya at ayoko nang makadagdag pa sa isipin niya. Ayokong mag-isip ng masama tungkol sa kanya, ang unfair kapag ganon. Wala siyang ibang pinaramdam sa akin kung hindi totoong pagmamahal."

Pareho naman silang natigilan.

Napailing na lang si Kyril. "Napakaswerte ni Brixel sa'yo."

I just smiled at her.

Hinahanda ko na ang kakainin namin nang tumunog ang phone ko. Naexcite pa ako nang makitang si Brixel ang tumatawag.

"Hey!" masayang bungad ko.

I heard him sigh. "I'm so sorry."

Rinig na rinig ang lungkot sa boses niya.

"Okay lang. Masaya ako na walang masamang nangyari sayo."

"Sorry for making you worried. Hindi na ako nakatawag 'cause-"

"Brij, let's go. They're waiting for us," rinig kong sabi ni Yua.

"Kim, I need to go. May imemeet akong prospect investor. I'll call you later."

I smiled. "Sure."

"Anong sabi?" tanong ni Briana.

"Hindi kami nakapag-usap ng maayos, e. May pupuntahan siya."

Umirap si Briana. "Nakakainis si Brixel Jayden!"

"Hayaan mo na, Bri. Wag na nating dagdagan pa ang mga iniisip ni Kuya mo. We both know that he's struggling right now."

Lumungkot ang mga mata ni Briana. "Sorry sa pinaparamdam sa'yo ni Kuya, Ate Kim. Please don't give up on him."

"Bri! What makes you think that I will give him up? I love your brother so much and I trust him enough."

"Thanks, sissy!" Ngiting-ngiti si Briana.

Natawa naman ako. "Baliw ka talaga!"

Naghintay ako sa tawag ni Brixel hanggang sa nakatulog na ako ay wala kahit ni isang text. Baka sobrang busy niya na talaga.

Kumain na kaya siya? Kumusta na kaya siya?

Napangiti naman ako nang paggising ko ay may text na mula kay Brixel. Mahal ang overseas messages and calls pero wala akong pakialam, kung hindi si Brixel 'to ay imposibleng mapagastos ako ng ganito.

From: Brixel
Hi, beauty! Sorry for not calling you last night. Hindi ko inakala na tatagal ang meeting namin ni Mr. Lucho. Please bear with me. Babawi ako pagbalik ko. I love you and I miss you so much.

Nalungkot naman ako. Sana ay nasa tabi ako ni Brixel. I want to cheer him up. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

Lord, kung bibigyan mo po ako ng pagkakataon na humiling ay hindi na po para sa sarili ko, para na lang po kay Brixel. Sana po ay matapos na ang problemang kinakaharap niya ngayon.

"Surprise!"

Nagulat ako sa pagsigaw nila Ms. Hilda nang buksan ko ang pinto ng opisina ko.

Sa desk ko ay may nakahanda na breakfast at bukod kay Ms. Hilda ay nandito rin sina Lara, Brando at Architect Santos.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon