Prologue

697 14 2
                                        

May mga siktreto na gusto na lang natin isama hanggang sa hukay, mga sekretong paniguradong magiging dahilan para magbago ang buhay mo, magbago ang tingin mo sa sarili mo, magbago ang tingin sa'yo ng mga taong nasa paligid mo at ang pinakanakakatakot ay ang magbago ang tingin sa'yo ng taong pinakamamahal mo.

I'm so afraid because of that dark secret of mine, but can you call it a secret when someone knows too 'your-so-called- secret'?

Ilang taon na ang nakakalipas, masaya na ang buhay ko ngayon. Unti-unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko. Nakatapos ako sa pag-aaral with flying colors, I got a stable job, I have my savings and of course I have the man of my dreams.

Everything is perfect, our relationship is not an roller coaster kind of relationship, hindi gaya ng sa mga kaibigan namin.

We have a smooth sailing relationship dahil na rin siguro na siya ang pinakakilala kong tao na sobra kung umunawa, nagagalit pero hindi niya kayang magalit sa'yo ng matagal at siyempre hindi niya hahayaan na magkaroon ng rason para magalit ka. He always makes you feel special and beautiful. Lagi niyang ipaparamdam sa'yo na deserve mo ang mahalin ng ganoon, hindi nagkukulang at sobra-sobra pa.

I couldn't ask for more. Wala na talaga.

Nang alukin niya ako ng kasal ay hindi na ako nagdalawang isip pang pumayag, bakit? Sino ba ako para tanggihan ang lalaking 'to? Ang lalaking nagparamdam sa akin na napakahalaga ko at kamahal-mahal ako 'di tulad ng mga pinaramdam sa akin noon?

Na para sa kanya ay isa akong kayamanan na kahit ang totoo ay isa lang akong simpleng babae, walang marangyang buhay, walang maayos na pamilya at higit sa lahat ay may madilim na nakaraan.

Hindi niya alam ang sekreto ko at natatakot ako kung anong magiging reaksyon niya oras na malaman niya ang sekreto na 'yon, isang kayamanan pa rin kaya ang tingin niya sa akin?

Of course, I don't want to keep secrets just to keep us, but I'm scared and I don't have a courage to tell him my secret, I just can't. I'm so terrified.

Isang masayang araw para sa akin, para sa aming dalawa. Lahat ng importanteng tao sa buhay namin ay nandito even my family, 'cause it's our engagement party.

"I'm so happy for the both of you, Ate!" sabi ni Andrea.

Yumakap naman ako sa kanya. "I'm really happy, Ands."

Nang bumitaw ako kay Andrea mula sa pagkakayakap ay naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko.

Nang lumingon ako ay tumambad sa akin ang napakagwapong mukha ng mapapangasawa ko.

Brixel Jayden Larson, the man of my dreams, the only man that I love and the only man that I want to spend the rest of life with.

"Nanjan na ang mga pinsan ko," he smiled.

Kanina niya pa inaabangan ang mga pinsan niya dahil gusto niya akong ipakilala sa pinakamalapit na pinsan niya.

"Let's go?"

Nagpaalam muna kami kay Andrea at lumabas ng function hall para salubungin ang mga bagong dating na pinsan niya.

Isa-isa akong bumati sa mga pinsan niya.

"Kianna?"

Nanlamig ako nang makita kung sino ang huling bumaba ng sasakyan, ang pinakahihintay na guest ni Brixel.

"Magkakilala kayo, Stanley?" tanong ni Brixel.

Mala-demonyong ngumisi si Stanley, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Hanggang ngayon ay nakakatakot pa rin siya.

"You can't marry her, Brixel."

And the worst has arrived.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon