Alas kwatro na ng umaga pero heto ako at mulat na mulat pa rin. Nakahiga na ako sa kama ko at pinagmamasdan ang dog tag necklace ni Brixel. Hinaplos ko pa ang salitang Ratel na nakaengrave sa harap.
Brixel Jayden P. Larson
Ang buong pangalan naman niya ang nakaengrave sa likod ng necklace.
Official na niya akong nililigawan ngayon, noong una kasi ay nagtake lang siya ng risk kahit hindi ako pumayag pero ngayon ay pumayag na ako. Hindi ko rin naman kayang makita si Brixel na kasama ng iba.
Wala pa akong tulog dahil nang ihatid ako ni Brixel after ng dinner namin sa apartment niya ay nandito sila Alezander at nagkayayaan naman mag-inuman, mabuti na lang ay wala akong pasok sa Swiftea.
Paggising ko ay alas siete pa lang pero kahit na ilang oras pa lang ang tulog ko ay pakiramdam ko sobrang sapat na iyon. Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba para magluto ng pagkain namin.
Alas dose na at hindi pa gumising sila Kyril kaya naisip ko na mauna na kumain, ngayon kasi sumasakit ang ulo ko. Matapos kumain ay hinugasan ko lang ang pinagkainan ko tapos ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko para matulog at talagang parang binibiak ang ulo ko.
To: Brixel
Sleep na ulit ako, ngayon sumakit ang ulo ko.Maging si Brixel ay hindi pa rin nagigising. Grabe rin naman kasi iyong inuman namin, umabot ng alas tres ng madaling araw.
Naalimpungatan ako nang maramdaman na parang may humahaplos sa buhok ko. Napangiti pa ako nang makita si Brixel.
Maging sa panaginip ay si Brixel pa rin.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
Teka! Panaginip ba 'to?
"I brought some food and medicine."
Napatalukbong ako nang mapagtanto na hindi ako nananaginip.
"Paano ka nakapasok?" nahihiyang tanong ko. Ang pangit ko pa naman kapag bagong gising.
"Pinahiram nila ako ng duplicate key."
Ngumuso naman ako. Nakakainis naman 'tong sina Briana!
"Bakit ka ba nagtatakip? Ang ganda mo pa rin naman kahit bagong gising ka."
"Ewan ko sa'yo!" Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nangingiti ako. "Bolero!"
Natawa siya.
"I'm telling the truth, Kim. Sige na, lalabas na ako kung nahihiya ka sa akin. Sunod ka, ah?"
Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto ay tinggal ko na ang kumot na nakatakip sa akin tsaka dumerecho sa banyo para magtooth brush at mag-ayos ng sarili.
Nadatnan ko si Brixel sa sala, tumayo siya nang makita ako.
"Meryenda na!" He smiled.
Nakakaloko naman akong tinignan nila Andrea habang si Briana ay ngusong-nguso.
"Kanina pa ako nanghihingi pero ayaw mo kong bigyan!" reklamo niya pa sa kuya niya.
Natawa na lang kami.
Inilabas ni Brixel ang nasa loob ng paper bag.
"Ako nagluto niyan." Pasimple pa siyang kumindat sa akin.
Baked macaroni ang dala niya.
"Talaga?"
Tumango naman siya.
"Paniguradong masarap," komento ko.
Nagtilian naman sila Andrea.
"Grabe! Nakakakilig!" sabi pa ni Kyril.
BINABASA MO ANG
Chasing Lifetime (Chasing #5)
RomantikKim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that she loves. She can't find courage to tell him about it, that's why she decided to keep it until she dies. One perfect sunny day, everyone i...