Chapter 12

142 4 0
                                        

"Seryoso ka ba?" tanong ko kay Brixel.

"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong niya.

"Maiinip ka!"

He shook his head. "Hindi 'yan. Mag-eenjoy akong panoorin ang girlfriend ko, for sure."

Wala na akong ibang nagawa kung hindi napailing na lang.

Nang makapag-in na ako ay agad na lumapit si Brixel dito sa counter.

"One large okinawa with additional pearl, please." He smiled.

I smiled at him too.

Ayoko na sana siyang pagbayarin at ililibre ko na lang siya kaya lang ay siya nga pala si Brixel Larson at ayaw na ayaw niya na gumagastos ang babae para sa kanya.

"Cake baka gusto mo?"

Tumango naman siya. "Okay, give me one slice of red velvet cheesecake."

"I'll serve it na lang."

"Wag na. Tawagin mo na lang ako, ako na kukuha," aniya.

Tumango naman ako.

"Kim, sino 'yon? Friend mo? Pakilala mo naman ako!" kinikilig pa na sabi ni Diane, bagong crew dito sa Swiftea.

"Boyfriend ko."

Halata namang nahiya siya sa sinabi niya kanina.

"Hala! Sorry, 'di ko alam."

Natawa naman ako. "Okay lang, Diane."

Nagpeace sign pa siya sa akin.

Ang sarap naman sabihin na boyfriend ko si Brixel.

Wala namang customer kaya naisip ko na ako na lang ang magdala ng order ni Brixel. Nadatnan ko siyang abala sa pagbabasa ng libro.

"Here's your order."

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay umangat din ang sulok ng labi niya.

"Sabi ko wag mo na iserve."

I smiled at him. "Okay lang, wala din namang customer."

"So okay lang din na dito ka muna?" Pilyo pa siyang ngumiti.

"Baliw, hindi!"

"Please?" At ang loko ay nagpapacute pa.

Natawa naman ako. "Hindi nga pwede!"

"Kakausapin ko 'yong boss mo."

Naningkit ang mga mata ko kay Brixel. "Brixel Jayden!"

Natawa na lang siya. "I'm just kidding. Sige na, balik ka na doon."

Napailing na lang ako tsaka iniwan na siya.

Ang kulit din talaga minsan.

"Nakakakilig kayo," sabi ni Diane nang makabalik ako dito sa may counter.

Napangiti naman ako.

Hindi rin ako makapagfocus sa pagtatrabaho dahil panay ang paghaba ng leeg ko para sulyapan si Brixel at kada sulyap ko sa kanya ay nagtatama ang mga mata namin. Hindi ko naman napipigilan ang sarili ko na mapangiti.

Ang gwapo ng boyfriend ko!

Nagpaalam muna ako kay Diane na magbebreak muna ng fifteen minutes, usually ang ginagawa ko kapag break time ay nagpophone sa loob ng crew room para itext si Brixel pero dahil nandito siya ngayon ay sa kanya ako dumerecho.

"Pagod ka na?" nag-aalalang tanong ni Brixel.

I shook my head immediately. "Hindi. Nandito ka, e. Pampawala ng pagod."

Chasing Lifetime (Chasing #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon