Ano nga ba ang KPOP?
Stands for Korean Pop. Binubuo ng mga dancers, singers na ubod ng gaganda at gwapo. Oo na, Hindi nga namin maintindihan ang mga sinasabi nila, Mukha nga kaming tanga pero ano naman? Hindi naman basehan ng musika ang mga salita diba? Hindi naman basehan ng ganda ng boses at talento dahil hindi mo maintindihan ang mga sinasabi nila. Mga talentadong tao sila at sa mga bitter diyan. #parangawa
Ginugugol naming mga fans ang oras namin sa kakatwitter, kakafacebook, Youtube, tumblr, instagram, asianfanfics, wattpad, at kung ano ano pang mga website para malibang ang sarili namin at para masubaybayan, ehem. Sino pa ba? Edi si bias na sobrang perpekto na gusto mo nang sapakin kapag nakikita mo ang kahit mga kuko niya. Hindi naman sa pagiging O.A pero,
Parang ganun na din.Mahirap ang buhay ng KPOP fan. Unang una sa lahat. Mahirap maglogout sa twitter. Pangalawa, Mahirap magipon sa merch, pangatlo, Aba, mahirap ipagsabay ang pagaaral sa libangan ano. Yung tipong kahit exam e nakabukas pa din mga account mo at samu't saring tabs ang makikita sa browser mo? Aba matindi. Search nga ba ng formulas, o search ng picture ni bias?
Pero hindi lang naman mga kagaguhan ang matutunan mo dito. Medyo madami ngang kagaguhan like, pagmumura, pagiinaso, pagwawala na parang sinasapian, pagsasalita ng mali maling lyrics sa harap ng computer, pero, hindi lang naman lahat puro kagaguhan. Syempre may matutunan ka din sa KPOP. Una diyan, malalayo ka sa masamang bisyo. Unahin mo na diyan ang pagdradrugs. Sa sobrang adik mo sa KPOP, wala ka nang paki sa mundo. Hindi naman sa walang paki, pero "hindi mo style" ang paninigarilyo at iba pang bisyo. Maaring puro, KPOP-Aral- Tulog- Kain. Ang ginagawa mo. Pangalawa, Matuto kang magipon. Kung Kpop fan ka, sobrang hard mo magipon na kahit hindi concert. "pre, hindi na ko magcacanteen ah. Busog pa ko eh. :)" [a/n: 'pre' kasi fanboy ako lmaoo. Pero babae yung karakter nito. Isipin niyo na lang nababae. :v] Kaya yung mga kaibigan mo, "Ano ba yan. Wala pa namang concert nagiipon ka na." Anong magagawa natin? Eh minsan mas mabilis pa sa pag putok ng bula ang sagap ng mga Kpop fans at bigla na lang. "GUYS! MAGCOCONCERT DAW SI GANTO SA MOA ARENA. SA DECEMBER PAKER DAW." O diba, malas mo kapag wala ka pang ipon.
Pangatlooo! Matututo ka magsalita ng ibang lenguahe. Yung tipong araw araw mong sasabihin ang 'jinjja?', 'aigoo', 'aish', 'ya', at 'mwoya?!' na kalimitan sinasabi ng kpopper. Again, wala tayong magagawa.
Pangapat! Matututo kang magsikap sa grades mo. "Hala. May concert. Kelangan kong maging Top 0.5. Kelangan kong mataasan si Top 1 para payagan ako. Hala." At nakapagbibigay pa ng inspirasyon si bias minsan~ "Kelangan kong magaral para mabilis akong matapos mamaya para makakauwi agad ako, para makikita ko mga previews niya."
Madaming magaganda din maidudulot ang KPOP kung pagsasamahin mo, hindi ko pa diyan nasama ang Pagaayos sa sarili mula sa kadugyotan, pagiging masaya sa kabila ng stress, at kung ano ano pa.Ngunit! Alam kong sa tingin niyong iisa lang ang mga fans, Hindi. Sa KPOP. samu't sari ang mga fans.
1. Fansite Noona/Master - Sila yung tipong kay gagandang mga babae at kay gagwapong mga lalaki pero bigla na lang tatayo sa upuan at maglalabas ng gahiganteng camera na parang telescope para lang mazoom hanggang makita ang pores ng bias.2. Author-nim - Taga gawa ng fanfic na nagpapaiyak, nagpapatawa, at nagpaparelate satin.

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanfictionAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015