CHAPTER 20

2.5K 87 3
                                    


JISOO POV.

Halos kalahating oras na rin ang nakalipas mula ng nagpaalam si jennie na magbanyo. Hindi pa rin to bumabalik. Napansin kong parang wala sa sarili yun babaeng yun habang naglalakad kanina. Hindi tuloy ako mapakali.

"Unnie! Bakit hindi pa bumabalik si jennie? Kanina pa sya wala." usisa ni lisa.
"Oo nga lis eh. Tagal naman magbanyo non. Puntahan kona kaya?" tugon ko.
"Sige unnie much better kung sunduin mona sya." banggit pa ni lisa.

Naglalakad nako pabalik ng kuwarto ng sumunod sakin si rosé. Gusto daw nyang samahan ako na icheck si jennie. Worried kasi sya baka naoffend ito sa tanong nya kanina. Kakatok na sana ako ng bgla itong nagbukas.

"Omyghad jendeuk ano kaba ginulat mo naman ako!" bulalas ko.
"Not my fault unnie. Bakit kasi kayo nandyan?" sagot naman ni jennie.
"Ano pa ed pupuntahan ka. Kalahating oras kana dyan eh malay koba kung napano kana? Pinasundo ka nga din sakin ni lisa." dagdag kopa.
"Oh really? Ang OA unnie ah. May ginawa lang naman ako saglit. Yan ang sabihin mo sa kanya. Oh sya tara na don." wika pa nya.

Bumalik na kami kung san sila naroroon. Pansin kong panay tanaw ni lisa kay jennie pero tahimik lang ang pusa nato. Nakaharap lang ito sa dagat na wari may malalim na iniisip. Hanggang matapos ang aming laro ay nanatiling tahimik lang si jennie.

"Goodnight guys! Matulog kayo ng mahimbing, bukas ng hapon pa manila na tayo ulit." pagsasabi ko sa kanilang lahat. Niyaya kona rin si jennie na matulog ngunit tumanggi ito at nakiusap na iwan muna sya saglit, pinayagan ko naman tutal dito lang sa labas ng pinto.

Nakatanaw lamang si jennie sa karagatan kasabay ng malamig na hangin na dumadampi sa kanyang mga pisngi. Hindi na nya napigil pa ang pag-agos ng luha na kanina pa nya pinipigil. Kasabay ng hampas ng alon ang kanyang mga hikbi.

"Bakit nagawa mo sakin ito lisa?? Ano bang kasalanan ko sayo??! Kahit anong isip ang gawin ko hindi ko talaga alam eh. Sana naging tapat ka nalang sakin. Sana hindi mo ko pinaglaruan ng ganito. Eto ba ang parusa ko sa pagiging mapaglaro ng damdamin ng iba noon?? Kaya ngayon kung kelan ako naging seryoso eh saka ako nasasaktan ng ganito???! How unfair life is!!!" paghihimutok nya kasabay ng pagiyak na tanging ang katahimikan ng gabi lamang ang saksi.

Narinig nyang bumukas ang pinto galing sa kwarto nila lisa kaya agad nyang pinunasan ang mga luha at huminga ng malalim. Hindi nya na nilingon pa kung sino iyon. Si lisa ang iniluwa ng pinto.

"Hey nini! Kanina kapa ba dyan?? Anong ginagawa mo mag-isa dito sa labas? Malamig ah pumasok kana baka magkasipon kapa. May naiwan lang ako na kelangan kong balikan. Sige na matulog kana." nag-aalalang turan ni lisa.

Wala syang nakuhang sagot mula kay jennie. Ni di man lang sya nito tinignan. Basta pumasok na ito sa kwarto. Nagtataka man ay hinayaan nalang nya at nagpatuloy sa kanyang pakay.

-Kinabukasan-

Tinawagan ko sila dad para ipaalam na mamayang hapon na ang alis namin dito. Pagkatapos ng mga bilin nya ay natapos din agad ang aming usapan. 3pm ang aming flight pabalik ng manila.

Ika- siyam na ng umaga ng nagalmusal kaming lahat. I instructed them all to start packing up their things na para di kami matagalan mamaya. Hindi sumabay samin si jennie mag breakfast dahil masama raw ang kanyang pakiramdam. Hindi kona rin pinilit. Ayaw na ayaw kasi nito na pinipilit sya kapag ayaw nya. Alam nyo na may mood. Ma attitude masyado yon.

Itong si lisa man ay panay pangungulit sa akin para puntahan si jennie. I told her not to bother jennie kung ayaw nyang masungitan. Wala namang palag si lisa sa sinabi ko kahit pansin na grabe sya kung magworry.

"Alam mo lis, if i were you ifocus mo nalang buong atensyon mo sa gf mo. Remember may irene ka at may otor si jennie." pag papa alala ko kay lisa habang tinatapik ang kanyang balikat. Tumango tango lang naman ito bilang pag sang ayon.
-----
Ngayong araw ang ika 4th Weeksary ni Jennie at Otor. Pagcheck ni jennie sa kanyang messenger nakita nya ang chat nito sa kanya.

-💌-
Otor: Hi hon. Kamusta kana? Miss na kita. Sorry sa pagkabusy ko. Happy Weeksary Mahal. I love you.
Jennie: (seen)
Otor: Seen lang hon?
Jennie: (seen)
Otor: Hey are you okay?
Jennie: I am. Happy weeksary too. Love you.

Hindi na inantay pa ni jennie ang reply ni otor at nag off na sya. Pumatak na naman ang mga luha na pilit nyang pinipigil.

"Mahal kita at hindi ko kayang magalit. Kung ano man ang dahilan mo pipilitin kong intindhin kahit masakit. Pero sa ngayon hindi ko kayang humarap sa katotohanan. Pag nakakuha na ko ng lakas ng loob saka ko itatanong sayo ang lahat lahat. Kahit sobrang sakit makita kayo ni irene. Ayokong saktan ang kaibigan ko." Sabay punas sa mga luhang naglalandasan sa kanyang pisngi.

-Ff ⏩-
Exactly 3pm ng sabay sabay nang nagpaalam ang lahat sa staff ng villa. Tumungo saglit si jennie sa dalampasigan at sandaling pinagmasdan ito.
"Iiwan ko na dito lahat ng sakit na nasa puso ko. I promise pagbalik ng manila magiging mas matatag ako na harapin itong lahat. Kung ano man ang magiging resulta bahala na. Mahal kita lisa. Mahal na mahal." napaluha man ay agad nya din itong pinunasan at nagtungo na sa kinaroroonan ng iba.

Hinatid sila ng mga staff hanggang sa maiakyat na lahat ng kanilang mga bagahe. Isa isa na rin silang sumakay plane at nagsipag kaway sa kanilang lahat.
Magkatabi pa rin sila lisa at irene. Sa likod sila jisoo at rosé. Sa kabilang side si Jennie at Nayeon at sa likod si IU at Somi.
-----
After almost 2hours ng flight ay nakalapag na sila sa manila. Naka abang na din ang kani kanilang mga sundo. Nauna na sila IU at Somi. Nagpaalam na din sila Lisa.

"Unnie so pano mauna na kami ha? Thank you pala. Nagenjoy ang lahat. Nini? Ingat kayo ha?" wika ni lisa bago pumasok sa sasakyan. Sumabay na sa kanya si Irene at Nayeon.

Agad na rin kaming sumakay ni jennie sa suv na pinadala ni dad. Napaka tahimik lang ng aming byahe pauwi. Ni di man lang nagsasalita si jennie.

Paguwi namin ng bahay agad kaming sinalubong ni mom at dad.

"How's your vacation mga anak?" sabay pa nilang nasabi.
"Okay na okay mom, dad. Wala namang sakit ng ulo na ginawa itong si jendeuk hehe." Sabay siko sa kapatid na tinignan naman sya ng masama.
"Oh enough na sa asaran nyong dalawa. Magpahinga na kayo." utos ni mom.

Umakyat na rin kami sa aming kanya kanyang kwarto. 7pm na rin ng gabi kaya kailangan ng magpahinga. Sinabihan kona rin si jennie na ipahinga na ang isip. Alam ko na stress sya.

Matapos mag shower at magayos ng sarili. Nahiga na rin agad si jennie. Hindi na nya chineck pa ang phone nya kung may chat si otor o wala. Basta ang gusto lang nya ay matulog.

Tomorrow is another day.
Another day of heartache...

---------
A/N:
I really feel jennie's pain here. OP is in this situation too.
Btw stay safe lovezzzzz
Keep praying.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon