SUHYUN POV.It's been two months since wala si Lisa. I really miss my only daughter. Sobrang hirap ng sitwasyon namin na ito but i need to be strong. I will do everything just to fulfill my promise to her. At yun ang ay ang bantayan si jennie.
Even were here sa Thailand, alam ko pa rin ang lahat ng mga nangyayari kay jennie. Mula nong nakalabas sya sa ospital, nalaman nya ang tungkol kay lisa, ang paglayas nya sa kanilang bahay at ang pagpunta-punta nya sa coron. Lahat ng yun alam ko dahil sa utos ko kay taehyung.
Nandito ako ngayon sa sasakyan papunta kay lisa. Siguradong hinihintay na din ako dun ni bom. Inaantabayanan ko ang tawag mula kay taehyung upang may maikwento naman ako sa anak ko pagdating ko. Heto mabuti tumawag na din.
~~
"Hello taehyung, ano na ang balita kay jennie dyan?" bungad ko."Sir, nandito na po sila sa coron. Kasama nya ang isang babae at mga bata. Masaya naman silang tignan sir. Mukang ayos naman po sya." tugon naman nya.
"Good to know. Please don't take your eyes off her. Bantayan mo sya ng maigi pero wag kang magpapakita. I'm counting on you." pagbibilin ko pa.
"Yes sir, masusunod po."
~~-FLASHBACK-
Nun gabing yun na nabaril si lisa, tarantang taranta ako lalo pa ng nalaman ko na agaw-buhay na sya. I can't lose her! Kaya naman sinabihan ko si taehyung na dalhin si lisa sa isang hospital na malayo sa city. Isa sa matalik kong kaibigan ang may-ari nito. Naisip kong doon sya dalhin dahil alam kong nasa panganib pa rin ang kanyang buhay.
Medyo nasa liblib ang lugar na yun kaya siguradong hindi na sya masusundan. May ideya ako tungkol sa alitan ni jiyong at bongdu. Gusto ko sanang malayo si lisa sa kanilang pamilya para sa kaligtasan nya subalit hindi ko magawa dahil sa labis nyang pagmamahal kay jennie. At heto sa pagkakataon na ito hindi nako magdadalawang-isip pa. Kailangan kong mailayo si lisa sa kanila sa kahit anong paraan. Hindi ko kakayaning mawala si lisa sa amin. Nag-iisa ko lang syang anak at sya ang magmamana lahat ng ari-arian ko.
Pagkadating na pagkadating ng ambulansya sa hospital agad kong sinalubong ang kaawa-awa kong anak. Halos hindi na sya humihinga. Sobrang sakit para sa akin.
Mabilis na sinugod si lisa sa operating room para tanggalin ang mga bala na nasa kanyang katawan. Sa loob ng siyam na oras halos pigil-hininga kaming lahat. Maya-maya ay bumababa ang kanyang blood pressure. Hindi na natigil ang mga doktor sa pagpapabalik-balik para irevive sya.
Si bom halos sa chapel na nagstay sa pag-asang tutugunin ng Diyos ang aming mga panalangin. Na huwag muna sanang kunin si lisa.
Ang nalalabing isang oras ng operasyon ang naging pinakadelikado sa lahat. Ito ang pinaka kinatatakutan namin. Nag flat-line si lisa..
Tumagal ng halos 3minuto ang pag revived sa kanya. Walang patid ang pag-iyak naming mag-asawa.
Pero salamat sa Diyos bumalik ang pulso at heartbeat nya!-Kinabukasan-
Matapos ang operasyon. Lisa was in a coma. Nakita ko ang phone nya patay ito, kaya itinabi ko muna. Dahil sa head injury na natanggap nya at sa impact ng mga hampas sa kanya. Isama mo pa ang mga bala na bumaon sa kanyang katawan kaya naman hindi kinaya ng kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Till I Met You Again
RomancePROLOGUE: What if you found right love but at the wrong time? Wrong situation? Family issues? Will you fight for it or will you just let fate play against you? Meet Jennie Kim, 20yrs old. Youngest child ng mayamang negosyanteng Chaerin and Jiyong...