NIGHT OF TRUTH

2.1K 92 0
                                    


THIRD PERSON.

Sa wakas nakilala at nakaharap na ni Jiyong ang kanyang nawawalang anak. Hindi nya inakala na nakasama nya na pala ito dati ngunit hindi man lang nya ito nalaman. Ilang araw na din syang nagpa balik-balik upang humingi ng tawad sa kanila.

Parang butas ng karayom sa una pero dahil sa kanyang pagta-tyaga, nakuha rin nya ang loob ng kanyang anak. Sobra ang kanyang kagalakan. Ngunit inaalala nya ngayon kung paano ito sasabihin kina chaerin lalong lalo na kay jennie. Sa kanyang mga nalaman nasisiguro syang masasaktan ito ng husto kapag nalaman ang katotohanan. Nagpasya syang umuwi na sa susunod na araw upang personal na kausapin ang anak.

Makalipas ang ilang araw...

Nakauwi na nga si Jiyong. Wala syang alam tungkol sa kundisyon ng asawa. At wala rin balak pa si chaerin na sabihin ito.

-FLASHBACK-

Bago pa man sya umuwi ay nakipagkita muna sya sa kanyang abugado. Ikinunsulta nya ang tungkol sa kumpanya. Gusto nyang si Jennie ang gawing susunod na CEO.

"Hindi ako makakapayag na kung sino lang ang magmamana ng kumpanya. Kilala kung tuso at mapanlinlang si bongdu. Alam ko ang plano nyang pagpapabagsak sa kumpanya. Hindi ko hahayaang mawala nalang ang lahat ng aking pinaghirapan. Tanging si jennie lang ang nakikita kong may kakayahan na itaguyod ang kumpanya."

Hindi nila napansin na may isang taong nakikinig sa kanilang pinaguusapan.

"Sa tingin mo ba ay naisahan mo na ako jiyong? Dyan ka nagkakamali dahil mas lalo mo lang pinalaki ang problema mo. Humanda ka para sa hagupit ng galit ko!"

-END OF FLASHBACK-

Ilang araw na ding hindi umuuwi si jennie kay Lisa. Sobrang namimiss na nya ito. Kahit araw-araw nyang tinatawagan si Jennie at nagbi videocall, hindi pa rin ito sapat dahil gusto na nyang makasama sya ulit. Hindi sya mapakali. Kailangan ngayong araw ay magka-ayos na sila at maiuwi si jennie.

Agad syang naligo at nagbihis. Ngayon ay pupunta syang mall para bumili ng flowers at chocolates pati favorite ice cream ni jennie. Determinado syang makuha ulit ang kanyang mahal.

-----------

Nagpahanda si Jiyong ng masarap na dinner para sa kanilang mag-anak. Ngayong gabi ay ibubunyag na nya ang kanyang lihim. Kung ano man ang mangyari atleast mabubunutan na sya ng tinik sa dibdib. Isa pa ay gusto na nyang makilala nila ang isa nya pang anak.  Wala naman itong kasalanan. Sya'y naging bunga lamang ng mali nyang desisyon noon. Ngunit kahit ganon ay mahal nya ang anak. Ngayon lang sya makakabawi dito.

"Jennie, anak kamusta kana baby? May mga pasalubong ako sayo oh. Favorite brand mo Chanel." pag-aalo ni jiyong kay jennie, pansin kasi nyang kanina pa ito cold sa kanya.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon