CHAPTER 44

1.9K 86 14
                                    


JENNIE POV.

Miss na miss ko na si Lisa. Sobra pa sa sobra. Simula nang lumabas ako sa ospital hindi ko pa sya nakita o kahit makausap man lang. Ang sabi ni unnie ay nagpapagaling lang daw and kapag okay na sya saka kami dadalaw. Pero ilang araw na ako dito sa bahay. I need to see Lisa. Ako dapat ang nag-aalaga sa kanya ngayon eh.

Nung gabing bago nangyari ang lahat, sa totoo lang ay hinihintay ko talaga syang dumating. Ramdam ko kasi na aamin na si dad sa amin at kailangan ko si Lisa sa tabi ko.

Hindi ko inakala na ganoon ang kahihinatnan ng gabing iyon.

I saw with my two eyes how they hurt lisa. Hindi na sya halos makatayo. Gusto ko man lapitan sya ngunit malakas ang mga lalaki na may hawak sa akin.

Galit na galit ako kay kai! Sya pala ang nag-utos na kunin ako. Demonyo sya! Akala ko tuluyan na nya akong maaangkin ngunit sa pangalawang pagkakataon dumating uli si Lisa. Dumating sya para iligtas ako.

Lisa just proved me again how much she loves me.

Buong lakas syang lumaban para sa akin. Ngunit tuso talaga si kai. Napaka sama nya.

Wala na akong ibang naalala pa. Basta nung oras na yun tumakbo ako palapit kay lisa. Matapos nun ay wala na kong matandaan pa.

----------

Sobrang daming pangyayari sa buhay ko. Hindi pa matanggap ng sistema ko ang katotohanan na si dad ay naglihim samin ng ilang taon.

Na mayroon syang anak sa iba. At ang taong yon, ang anak nya ay si IU. Sya na nanakit at nangloko sakin. Sariwang-sariwa pa rin ang lahat sa akin.

How can i accept her a a sister when in fact i can't even accept her even as a friend again??

Let's consider the fact na wala naman syang kasalanan na naging anak din sya ni dad. Oo tama. Pero yun sakit at impact nito sa amin nila mom ay hindi basta.

Siguro ay hintayin nalang dumating ang panahon na mabura lahat ng sakit at galit sa puso ko.

Tanging si Lisa lang ang taong makakatulong sakin.

Whenever i'm with her i feel calm and peaceful. Her smiles and stares are giving me strength.
Her warm embrace gives me shelter.

"Pero nasaan ka naba Lisa? I need you hon. I miss you so much."

------------

Hapon ng umalis kami nila jisoo unnie at rosé. Si unnie na ang nagmamaneho. Habang si rosé ang nakikipagusap kina somi. Ngunit kung minamalas ka nga naman, wala din silang alam. Paano na ito?

"Jen, pano na? I asked almost everyone na malapit kay lisa pero wala silang alam. Saan natin sya hahanapin?" tanong ni rosé.

"I really don't know too. It kills me. Why do i feel strange? I can't breathe well. How long will it takes bago ko sya makita ulit?" himutok ko. Hindi kona alam ang gagawin.

"Jendeuk, relax please hindi maganda sayo ang mastress ng ganyan." sambit ni unnie.

"Unnie! Please bring me to Lisa's condo unit. Let's go there! I miss lisa's presence. That place alone holds our memories together." pakiusap ko.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon