JENNIE POV.Two weeks after ng engagement namin ni mino, dad advised me to go visit the company. Balak na kasi nya akong ipakilala as the new CEO. One of mom's request din kasi ang makita ako na successful. Well, like what i promised to myself lahat gagawin ko to make her happy.
Nagpatawag si dad ng press conference bukas kung saan iaannounce na nya ito. Si Mr. Shin naglaho na parang bula after nun ginawa ni kai siguro ay nagtatago din ito. Kailangan magbayad silang mag-ama sa mga kasalanan nila.
Si mino halos everyday nang nasa bahay. Tutok sya sa pag-aalaga kay mom na lalong nagpapalambot ng puso ko para sa kanya. Napakabuti kasi nyang tao. Mas lalo pa silang naging close ni mom para na silang mag-ina. Minsan nga nakakaselos na eh. Pero masaya ako na makita silang ganon. Whoever loves my mom, i will love too.
Ayan nalang ang pinaka motto ko ngayon.
Nalalapit na din kasi ang kasal namin. Next month na. Pero mukang mauuna pa yata samin sila unnie dahil balak nila muna ng civil wedding, saka na daw sa church. Sa totoo natatakot ako na kinakabahan. Kasi hindi pa ako handa. Para sakin kasi si lisa pa rin ang gusto kong makasama habang buhay. Kaso ano pa eh wala na sya. Just let things work as planned nalang.
~~
This is the day. Ngayon ay ipapakilala na ako ni dad sa mga board members. I'm wearing this black fitted jeans with a pair of black blazer and white undershirt.
"Perfect! You look gorgeous as usual!Jennie Kim you're ready!" pagyayabang ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.
"Jendeuk, hey let's go baka malate tayo magagalit si dad." pagyaya ni unnie.
Nagmadali muna akong pumunta sa room ni mom para magpaalam. Nandun din si mino kasama nya na nagbabasa naman ng libro.
"Mom.. alis na po kami. Wish me luck mom." sabay halik sa noo nya.
"I know you can do it baby. I'm so proud of you. Sayang di kita makikita ng personal don tanging sa screen lang ng ipad. Goodluck anak." nakangiting tugon ni mom.
Si mino naman ay napatayo at bigla akong hinila palapit sa kanya. He hugs me so tight.
"Babe, goodluck. Kayang kaya mo yon ikaw pa ba. Break a leg babe. I love you."
Kumalas naman ako sa pagkakayakap at binigyan sya ng matamis na ngiti.
"Thank you babe. This means a lot to me." tugon ko naman.
At umalis na nga kami ni unnie. Sumabay nalang ako sa kotse nya para di ako mahaggard sa pagdrive. Nandun na sila dad at IU naghihintay sa amin. IU is our family lawyer from now on. I'm glad she's doing this for the family.
~~
And now nandito na kami. Pagpasok ko palang ay sinalubong na kami ng ilang department heads and ng magiging secretary ko. Sabay-sabay kaming naglakad papasok sa conference room.
Naabutan namin ang lahat na tahimik na nakikinig sa spill ni dad.
Nagsitinginan ang lahat ng makita ako. Ang iba ay pasimpleng nagbubulungan, meron ding halos parang kakainin nako ng buhay sa titig. Nakaka tense pero keri lang.
Naupo na kami ni unnie sa seats na nakalaan para samin. Nginitian ko ang mga katabi ko bilang pagbati.
I'm just sitting confidently, well i must. I'm a Kim.
BINABASA MO ANG
Till I Met You Again
RomancePROLOGUE: What if you found right love but at the wrong time? Wrong situation? Family issues? Will you fight for it or will you just let fate play against you? Meet Jennie Kim, 20yrs old. Youngest child ng mayamang negosyanteng Chaerin and Jiyong...