Goodbye ??

2K 87 8
                                    


THIRD PERSON.

Jennie passed out. After nyang nalaman ang tungkol kay Lisa. Na wala na sya, she just can't accept it. Tuluyan syang nag hysterical at nawalan ng malay.

Binuhat sya ni taehyung papasok sa kuwarto nila ni lisa at doon ay hinayaan muna nila itong mapag-isa. Ngunit nandon si rosé just in case she needs someone. Si jisoo at taehyung naman ay naguusap lang sa labas.

Hindi naman tulog si jennie pero sobrang tahimik sa loob ng kuwarto. Nakapikit lang ito habang yakap ang unan ni lisa. Walang tigil ang agos ng luha sa kanyang mga mata. Pigil na pigil ang kanyang bawat paghikbi.

Wala namang magawa si rosé kundi pagmasdan nalang ito. Maski sya ay napapaluha sa nakikita nya kay jennie. Alam nyang sobra sobra itong nasasaktan.

Ang kaninang mahinang paghikbi ay unti-unting lumalakas. Napuno nito ang apat na sulok ng kuwarto. Ang sakit pakinggan na kung dati ay mga tawanan at lambingan ang pumupuno sa kuwartong ito, ngayon ay hikbi ng kirot at sakit na nagmumula kay jennie.

"LISAAAAAAA!!! LISAAAAA PLEASEEE UMUWI KA NAAA! HINDI KO KAYANG MAG-ISA MAHAAAAL!!"

"LISAAAAAAA!! HONNN!! PLEASEEEEEE!!"

Na-alarma na si rosé. Nakapikit lang si jennie habang umiiyak ng masakit. Kaya agad-agad nyang tinawag sila jisoo na nasa labas lamang.

Patakbo naman itong lumapit kay jennie para yakapin.

"Stop! Don't come closer unnie! I hate you! I hate you dahil itinago mo ito sa akin." matalim ang bawat titig ni jennie sa kapatid.

"Jen, look i'm sorry. Patawarin mo naman ako kung hindi ko ito agad sinabi. Iniisip ko lang ang mararamdaman mo jen. Sorry." pagsusumamo ni jisoo.

Napaupo na si jennie at hinarap ang kapatid.

"Iniisip??? Kung iniisip mo ang nararamdaman ko edi sana sinabi mo sakin agad. Edi sana nakagawa pa ako ng paraan kahit ano para nakita kopa sana sya. Pero hindi! Lahat kayo ganyan sa akin! Lahat kayo pinag mukha akong tanga!! Si lisa lang ang umuunawa ng totoong nararamdaman ko pero ngayon wala na sya. Wala na ang pinakamamahal ko!!" dagdag pa nito.

Agad tumayo si jennie at mabilis na tumakbo palabas ng unit ni lisa.

"Jen wait!!!" pagtawag ni jisoo ngunit hindi man lang sya nilingon at direchong umalis. Agad itong nawala sa kanilang paningin.

Tarantang taranta si jisoo kaya mabilisan nyang tinawagan si jiyong para humingi ng tulong.

"Dad!! Jen found out the truth about lisa. She's in so much pain now dad. Bigla nya kaming tinakbuhan. Hindi ko na sya nahabol. Help dad!" bakas ang sobrang pag-aalala sa kanyang tinig.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon