CHAPTER 25

2.4K 102 6
                                    


LISA POV.

-Flashback-

I planned everything bago pa kami tumungo ni jennie dito sa area. Nagpahanap ako kay kuya ben ng pwede naming maging subject. Luckily he had this friend of him na pinakilala sakin.
Yes, i already met her just to make sure. Kuya ben introduced me to her. Upon knowing her situation, i know na she's the right subject for us. I thanked kuya ben for helping me out.

-End of Flashback-

So nandito na kami ni jennie sa lugar. Sinundo kami ng kontak kong tao. Actually he is a private agent that my dad gave me to help me in times like this. He is Taehyung. Sinamahan nya kaming makarating sa place. Nagpabili na rin ako ng food since malapit nang mag lunch time. We need to fill our stomach first bago magstart ng shoot.

Dito kami dinala ni taehyung sa isang maliit na bahay. I'm not sure kung bahay pa ba ito or pwede pang tirahan ng tao. Gawa ito sa pinagtagpi tagping sako na pinako sa mga scrap na kahoy. Mapapansing open lang rin ang kanilang munting tahanan. Ni walang pinto. Paano sila natutulog ng ganito? I sighed. This is how they live everyday.

I looked at Jennie, medyo worried kasi ako baka hindi sya kumportable. I saw her reaction-less face. I guided her dito sa isang bangko na nakita ko. Pinunasan ko muna ito and then use my handkie  para may sapin sya. Puti ba naman kasi ang jeans eh.

"Jennie dito ka maupo oh, tatayo nalang ako." anyaya ko sa kanya. Sumunod naman sya without even talking. Maya-maya pa ay lumabas na ang aming pakay.

"Uhm goodmorning po nanay." bati ko. Napatayo naman din si jennie at bumati.

"Naku, magandang umaga din sa inyo mga ineng. Pasensya na kayo sa aming bahay. Nakakahiya naman. Ako pala si Nena." pakilala ni nanay.

"Wala po kayong dapat ikahiya nanay. Kami nga po itong nang-aabala sa inyo eh." turan ni jennie. Nagulat ako akala ko kasi wala syang balak magsalita.

Napasilip naman ako sa loob. Napansin kong may mga bata na nakamasid samin. Tantya ko mga nasa edad dose pababa sila.

"Ay wag nyo na po silang pansinin. Pasensya na." paghingi ng paumanhin ni nanay nena.
Agad ko namang pinalabas kay taehyung ang mga pagkaing pinabili ko.

"Nanay, mayroon po ba kayong lamesa dyan? May binili po kaming konting pagkain para may mapagsaluhan tayo." wika ko.

Inilabas naman ni nanay ang isang plastic na bilog na mesa. Na ewan kung anong tawag don. At agad nyang inihanda ang mga pagkain.

"Oh tara na po kain na tayo." tinawag kona rin ang mga bata na nagsipag-unahan pa palapit sa mesa. Sa wari ko, ngayon lang sila makakakain ng fried chicken, burger at fries kaya pinadagdagan ko ito. Nagpabili na rin ako ng extra rice at drinks.
Iniabot ko naman kay jennie ang para sa kanya at sabay-sabay na kaming kumain.

Matapos ang ilang sandali, nabusog na rin kaming lahat. Pansin kong ang mga bata na kanina ay tahimik, ngayon ay masaya nang naglalaro. Napabuntong hininga naman ako. Siguro ay kulang sila sa pagkain hayys.

Habang hinihintay namin si aling nena na abala sa paglilinis ng aming kinainan, sinubukan kong kausapin si jennie.

"Hey jen, ayos ka lang ba? Are you comfortable here? Tell me if you have any concerns." panimula ko. She answered.
"Magsisinungaling ako if sasabihin kong i'm comfortable but don't worry i'm okay naman. Let's just do what we need to do here lisa." cold nyang sagot sa akin.

"Pasensya na sa paghihintay mga ineng, ayos na ako. Simulan na natin ang interbyu ng makauwi na kayo." sambit ni nanay nena na halatang nahihiya.
So hinanda kona ang aking camera. Inayos ko ang stand upang makuhaan kami ng magandang anggulo.

*Ready in
1..
2...
3.....
Rolling!
-🎥-

Lisa: Magandang umaga po sa lahat. So ngayon napili naming magtungo dito sa isang slum site sa tondo. Kamustahin natin ang lagay ng mga ordinaryong pamilya na lingid sa kaalaman ng iba ang paraan ng kanilang pamumuhay. Ang iba sa atin marahil nasanay na sa marangya at kumportableng pamumuhay. Pero paano naman sila na salat? Ngayon atin silang makikilala...

Nanay Nena: Hello po. Ako po si Nena, 42 taong gulang. Mag isa nalang ako sa buhay dahil namatay ang aking asawa sa isang aksidente. Meron kaming 4 na anak. 2 lalaki at 2 babae edad dose pababa. Dito kami naninirahan sa isang bakanteng lote. Wala naman kasi kaming pang-upa. Paglalabada lang ang aking kinabubuhay.

(I focused the camera to jennie)

Jennie: Nanay, paano po kayo nabubuhay sa araw-araw? Paano mo natutustusan ang inyong pangangailangan?

Nanay Nena: Tumatanggap ako ng labada 3beses sa isang linggo. At binabayaran ako ng 200 sa kada laba. Pagkakasyahin namin iyon sa loob ng isang linggo.

Jennie: Sa aking palagay ay kulang na kulang po iyon. Nag-aaral po ba ang mga bata?

Nanay Nena: Oo. Lahat silang apat ay iginagapang ko sa pag-aaral. Yun lamang kasi ang pwede kong ipamana sa kanila kapag ako'y nawala.

*CUT*
---------
After an hour of shooting. Itinigil na muna namin. I reviewed the footage for a while to check. Di nagtagal ay nagpasya na rin kaming magpaalam.

"Nanay, so pano po mauna na po kami ha? Babalik nalang po uli kami bukas ng ganitong oras din. Mag-iingat po kayo dito. Salamat po." pagpapaalam ko.
"Salamat po uli nanay." dagdag pa ni jennie.

I call taehyung again to instruct him to buy some groceries for nanay and kids. I also told him not to mention na galing yun sa akin. Ang pinasabi ko nalang ay galing yun sa isang charity organization.

Alas tres na rin ng hapon so i quickly picked up my car and inalalayan si jennie na makasakay. Nang nasa loob na kami, naglakas loob na akong yayain si jennie.

"Jen, mind to have some ice cream with me? Init kasi eh you know." hiya kong tanong. She sighed first pero sa huli pumayag din sya.
So i'm now driving papunta sa isang convenient store sa malapit. Nang may nakita na ako, dali-dali akong bumaba para bumili. Hindi kona sinama si jennie kasi mainit at saglit lang naman din ako.

Pagbalik ko, nagdrive nako uli hanggang makarating sa isang park. Hininto ko ang aking sasakyan and naglatag ng isang mat sa likod ng aking ford ranger.

At dito magkatabi kami ni jennie na kumakain ng ice cream.
I'm just staring at her habang abala sya sa kanyang favorite milk ice cream. I know it's her comfort food kasi eh.

Ang tahimik so nilabas ko ang phone ko and select a random song from my playlist. Till nagplay ang "Stay" from blackpink. Napapa hum nalang ako since walang may balak magsalita sa amin.

After some minutes of silence, we're done na. Inalalayan ko syang bumaba and niligpit ko na ang aming mga kalat. So we're going home na.

Maging sa byahe ay tahimik lang kami. Nang nakarating na kami sa kanila, nagpaalam na din ako.

"Uhm jen, thank you for today. So see you again tomorrow. Just wait for me to pick you up." i gave her smile.
She just smirked and bid her goodbye too.
Pagkababa nya, she then turned around to see me.

"Btw lisa, take care going home. Drive safely okay?" pagreremind nya sakin.

I smiled at her again at pinaandar na ang sasakyan.

"It's nice to be with you again. I miss you nini. See you again tomorrow." banggit ko sa aking sarili.

---------
A/N:
Is it a sign of a good start para sa jenlisa?
Guys, abangan nyo ang pag-amin ni IU!
Please vote and comment.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon