LISA POV."Taehyung! I need your help now! Track this plate number "PON487". Make it fast!! Text me the location. Tumawag ka na din ng pulis!!! I need to save jennie!. Do it now!"
Masakit pa rin ang katawan ko sa mga hampas at tadyak na natamo ko. Ngunit hindi ko ito alintana. Kailangan kong mailigtas si jennie! Tinawagan ko na din sila tito jiyong para tumulong sa pagdakip sa mga kumuha sa kanya.
Iniisip ko kung sino ang pwedeng gumawa nun kay jennie.
Hirap man sa paglakad ay dahan-dahan akong tumungo sa aking sasakyan saka ito pinaandar. Tinatahak ko ang pwedeng naging daanan ng sasakyan na yun.
"Hello maam lisa. Alam kona po ang location ng sasakyan. Kasalukuyan nilang binabagtas ang daan pa north. Papunta ito ng baguio maam." wika ni taehyung.
Sinuot ko ang aking earbuds para mas marinig ko sya ng maayos.
"Okay sige taehyung nasa byahe na ako. Please tumawag kana din ng mga pulis at pasunurin mo. Bilisan mo!" utos ko sa kanya.
Halos paliparin ko na ang sasakyan ko para mahabol sila. Ayokong magsayang ng oras. Hindi pwedeng tumagal si jennie sa mga kamay nila.
Nahagip ng paningin ko ang bulaklak na para sana kay jennie. Hinaplos ko ito.
"Jennie, don't worry parating na ako. Huwag kang matakot. Kahit anong mangyari ililigtas kita hon." pagpapalakas ko ng aking kalooban. Iniinda ko ang aking ulo dahil mukang napalakas ang paghampas. Nun ito ay kinapa ko may dugo.
"Aaaaahh!" daing ko.
Walang mas mahalaga ngayon kundi ang kaligtasan ni jennie!!
---------------
"Major! Please save my daughter! Malakas ang kutob ko na si bongdu ang kumuha sa kanya. Sya lang ang nakikita kong may motibo para gawin yon. Please iligtas mo ang anak ko!" diin na wika ni jiyong habang kausap si major sa kabilang linya.
Nasa kwarto sya ngayon kasama ang asawa na nakatulog na sa sama ng loob. Nakaupo lang sya sa tabi nito. Habang si jisoo naman ay lakad ng lakad sa harapan nya.
"Dad!! Ano na?! Si jen nasan na sya??!! Wala pa bang balita?! Susunod ako don! Kailangan tayo ni jennie dad! Tutulungan ko si lisa!!" pagpupursige ni jisoo.
"No jisoo!! Just stay here!! Let the police do their job!! Isa pa wag mong ilagay sa panganib ang buhay mo anak! Hindi ako papayag na dalawa kayong mapahamak! I make sure na ngayong gabi din maibabalik satin ang kapatid mo."
BINABASA MO ANG
Till I Met You Again
RomancePROLOGUE: What if you found right love but at the wrong time? Wrong situation? Family issues? Will you fight for it or will you just let fate play against you? Meet Jennie Kim, 20yrs old. Youngest child ng mayamang negosyanteng Chaerin and Jiyong...