CHAPTER 24

2.5K 103 6
                                    


-Ff ⏩-

Balik klase na ulit. At ito ang ika-apat nang taon ni jennie sa kanyang kurso. Samantalang huli naman na ito para kay jisoo. Hindi na muling nakapag-usap si Jennie at Lisa. Tuluyan na rin syang nakipaghiwalay kay otor lili. Ngayon ang araw para magsalubong muli ang kanilang mga landas.

"Jenduek! Bilisan mo nga dyan tara na. Idadamay mo pa si rosé ko sa pagkalate mo eh!" pasinghal ni jisoo kay jennie.
Ilang linggo na rin ang nakalipas mula ng sagutin sya ni rosé. Madalas na hinahatid nya ito papasok at isinasabay na din si jennie since hapon lagi ang kanyang klase.

"Nandyan na! Makasigaw to ang sakit sa tenga". pasigaw na sagot ni jennie. Mapang-asar na sumipol naman si jisoo sa kanya.
"Witwiw!! Hey miss, can you be my date?" panunudyo nito sa kapatid. Agad naman syang hinampas nito.

"Aray naman! Hindi mabiro to. Buti nga kino compliment kita eh." reklamo ni jisoo habang hinihimas ang braso.
"Wow you look so perfect jen. For sure pagkakaguluhan kana naman mamaya. Good to know na okay kana." pagbati ni rosé sa kanya.

"Oh sya puro kayo pambobola, magjowa nga kayo. Let's go na!"
-------
Samantala, si Lisa at si Irene pa rin. Though madalas silang nagtatalo dahil sa pagiging moody na ni lisa. Sadyang mahal sya ni irene kaya lagi syang iniintndi. Kahit na ganun ay sila pa rin namang dalawa.

-At school-

Nakarating na sila jennie. Pagbaba palang sa kotse ay nag-uunahan ng palapit sa kanya ang ilang nga estudyante. Merong may mga dalang flowers at chocolates. Pero ususual ni hindi man lang sila pinansin at nagdire direcho lang si jennie sa paglalakad wearing her gentle monster eyeglass.
Humingi naman ng paumanhin si jisoo sa kanila.

"Back to being savage/ma attitude again cyst?"
Inirapan lang sya nito.

Malapit na sila sa kanilang room ng nagpaalam na rin si jisoo para umuwi. Hinatid nya muna si rosé sa kabilang building.
Pagpasok ni jennie sa loob naabutan nyang nagtatawanan sila Nayeon, Somi at IU. Binati naman sya ng mga ito. Itinaas lang nya ang kanyang isang kamay bilang tugon.

Nakita rin nya sina Lisa at Irene na magkatabi sa upuan. Dinaanan lang nya ang mga ito at di man lang nilingon. Sa huli tumabi sya sa pwesto nila nayeon.

Maya-maya'y dumating na ang kanilang prof na si Ms. Sandara.

"Goodmorning everyone. So i must say na you had a great vacation. Dahil nag-enjoy kayo siguro naman marami na kayong energy for your new project. Don't be surprised na kahit first day of school uli ay tambak na kayo agad sa activities. So right now, i'll be grouping yourselves na and btw may partner naman kayo dito. It's not individual so hindi kayo masyadong mahihirapan. Each week pipili ako ng 2 sa inyo para magpresent. So ngayon pipili na ako.
(Checking student's name lists)

"Lalisa Manoban! Jennie Kim! You'll be the first pair since kayo ang nangunguna sa klase. Kaya i'll expect a brilliant presentation okay?"

Wala namang pagtutol mula sa dalawa. Pagdating naman kasi sa klase ay civil sila.

Pagtapos ng klase agad na ring umuwi si lisa. She left irene with her friends. Ilag din kasi si lisa sa kanila eh lalo na kay jennie.

"Jen, napag-usapan nyo naba ni Lisa ang gagawin nyo for the presentation? Parang di kayo nagpapansinan eh." pag-usisa ni irene.
"Nah irene. I'll just wait for her kung kelan nya gusto na magsimula kami." tugon ni jennie.
--------
Kinagabihan, nakareceived si jennie ng text mula kay lisa. Bukas ay pag-uusapan daw nila ang para sa presentation. Nagreply naman sya bilang pagtugon.

"Once again, makakaharap na naman kita face to face lisa. But this time iba na. Don't worry i'm over you already." pagsambit nya sa sarili.

Naging active naman sya sa kanyang social media accts. Open din sya sa pakikipag-usap sa iba. May gc naman silang magkakaibigan pero hindi nakikisabay si Lisa. Madalas seen lang. Si IU man ay panay ang pagpapapansin sa kanya. Kung ano-anong mga banat at pick-up lines na kadalasan snob lang ni jennie.
--------
Sa cafeteria kung saan sinabi ni lisa kay jennie na maghintay ay mapapansin ang pananahimik lang nito. Di nagtagal ay dumating na si lisa bitbit ang kanyang camera. Agad naman itong lumapit sa kanyang kinaroroonan at naupo.

"Uhm hi jen. About the presentation pala. Our prof instructed me to do a documentary about less-fortunate family. I mean buhay-masa, buhay ng mga simpleng mamamayan. So we're gonna reach out to them for us to know their way of living. Are you in Jen?" tanong ni lisa.
"Sure why not lisa. Hindi naman ako maarte." sagot nya naman.
"So let's start tom jen, excuse naman tayo sa class since we're doing this. I'll pick you up around 8am. I'll bring my car. I already had my licensed na eh." dagdag pa ni lisa.

Napaka plain lang ng kanilang pag-uusap. Nothing more, nothing less. Everything is for the sake of presentation only. Well siguro maganda na ring wala silang pag-usapan from the past para walang maging problema. Baka maapektuhan pa ang kanilang gagawin.
----------
Maagang nagising si Lisa para magprepare. Pinili nyang magsuot ng plain tshirt at denim jeans para comfortable sya since pupunta sila sa isang slum site sa tondo.
Ito kasi ang napili nyang target nila for the shooting. Naiready na rin nya ang kanyang camera. Upon scrolling she saw jennie's stolen pictures. The one she took nun nagkita sila sa park. Napangiti sya ng masakit. "I miss you nini." nasambit na lamang nya ng mahina.

Nagtext na rin sya kay jennie for her to know na anytime soon nandun na sya to pick her up. She also advised jen to wear comfortable clothes para hindi sya mahirapan.

After 30minutes of driving nakarating na sya kina jennie. Naupo muna sya sa sofa while waiting for her. Panay lakad naman ni jisoo sa harap nya kaya naiilang sya. Di kasi sya pinapansin nito. Ni ha ni ho wala. Tanging ang mga maids lang ang nageentertain sa kanya.

Di nagtagal bumaba na si jennie. She looks so stunning pa rin with her green off shoulder blouse and white jeans. Sandaling napatitig si lisa bago bumalik sa realidad.

"Let's go lisa. We don't wanna waste our time right?" pagbasag ni jennie sa katahimikan.
"Yeah right. Tara na jen."
Agad na rin silang umalis matapos makapag paalam kina jisoo.

-Flashback-

Matapos banggitin ni jennie kay jisoo ang tungkol sa pair-up nila ni lisa for the presentation, nagusap muna sila ng masinsinan.

"Ikaw ba jendeuk ready kana na makasama uli si lisa? Baka naman bumigay ka agad?" banggit ni jisoo.
"Of course i'm okay unnie. I'm not affected naman na. Basta gagawin lang namin ang dapat yun lang. I can control myself naman so no worries." paninigurado ni jen.
"I'm just reminding you jen. Ayaw kitang masaktan ulit. Basta ignore kung ano man ang ipakita nya sayo. Never assume para walang aasahan. Be careful with your feelings para hindi masaktan!"
"Noted unnie. Thank you."

-End of Flashback-

They're already here na sa slum site. Pinark muna ni lisa ang kanyang sasakyan. Sabay silang nagtungo sa lugar kung san sila magshoot ng documentary. Tinawagan muna ni lisa ang kanyang kontak para sabihing nakarating na sila.

Lisa made sure na walang magiging problema. She already planned everything. Ayaw nya kasing mastress pa si jennie.

Kahit hindi naging maganda ang huli nilang pag-uusap noon.
Jennie still has a special place for Lisa's heart.

------------
A/N:
So muling nagkrus ang kanilang mga landas. What will happen kaya? Meron bang mag-uumpisa? Merong matatapos? Let's see
Please vote and comment.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon